Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hinihiya ni Jehova ang mga Mapagmataas
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 7 “Ang araw na nauukol kay Jehova ng mga hukbo” ay dumarating. Iyon ay panahon upang ipahayag ng Diyos ang kaniyang galit sa “lahat ng sedro ng Lebanon na matatayog at nakataas at nasa lahat ng dambuhalang punungkahoy ng Basan; at nasa lahat ng matatayog na bundok at nasa lahat ng mga burol na nakataas; at nasa bawat mataas na tore at nasa bawat nakukutaang pader; at nasa lahat ng mga barko ng Tarsis at nasa lahat ng mga kanais-nais na bangka.” (Isaias 2:12-16) Oo, ang bawat organisasyon na itinayo ng tao bilang sagisag ng kaniyang kapalaluan at ang bawat di-makadiyos na indibiduwal ay bibigyang-pansin sa araw ng galit ni Jehova. Kaya, “ang kapalaluan ng makalupang tao ay yuyukod, at ang pagmamataas ng mga tao ay mábababâ; at si Jehova lamang ang matatanyag sa araw na iyon.”​—Isaias 2:17.

      8. Paanong ang inihulang araw ng paghatol ay sumapit sa Jerusalem noong 607 B.C.E.?

      8 Ang inihulang araw ng paghatol ay sumapit sa mga Judio noong 607 B.C.E. nang wasakin ang Jerusalem ni Haring Nabucodonosor ng Babilonya. Nakita ng mga mamamayan na nagliliyab ang kanilang minamahal na lunsod, nawasak ang matatayog na gusali nito at nagiba ang malaking pader nito. Ang templo ni Jehova ay nagkadurug-durog. Walang nagawa ang kanilang mga kayamanan ni ang kanilang mga karo sa “araw na nauukol kay Jehova ng mga hukbo.” At ang kanilang mga idolo? Nangyari ang gaya ng inihula ni Isaias: “Ang mga walang-silbing diyos ay lilipas nang lubusan.” (Isaias 2:18) Ang mga Judio​— kasali na ang mga prinsipe at makapangyarihang mga lalaki​—ay dinalang bihag sa Babilonya. Ang Jerusalem ay mananatiling iláng sa loob ng 70 taon.

  • Hinihiya ni Jehova ang mga Mapagmataas
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • Ang Nalalapit na “Araw ni Jehova”

      10. Anong “araw ni Jehova” ang tinutukoy nina apostol Pablo at Pedro?

      10 Ipinakikita ng mga Kasulatan na ang “araw ni Jehova” ay magiging higit na makahulugan kaysa sa araw ng paghatol sa sinaunang Jerusalem at Juda. Iniugnay ni apostol Pablo, sa ilalim ng pagkasi, ang dumarating na “araw ni Jehova” sa pagkanaririto ng iniluklok na haring si Jesu-Kristo. (2 Tesalonica 2:1, 2) Binanggit ni Pedro ang araw na iyon may kaugnayan sa pagtatatag ng ‘mga bagong langit at isang bagong lupa na doo’y tatahan ang katuwiran.’ (2 Pedro 3:10-13) Iyon ang araw ng paggagawad ni Jehova ng kaniyang hatol sa buong balakyot na sistema ng mga bagay, lakip na sa Sangkakristiyanuhan.

      11. (a) Sino ang “makatatagal” sa dumarating na “araw ni Jehova”? (b) Paano natin magagawa si Jehova na ating kanlungan?

      11 “Sa aba ng araw na iyon,” sabi ni propeta Joel, “sapagkat ang araw ni Jehova ay malapit na, at iyon ay darating na gaya ng pananamsam mula sa Makapangyarihan-sa-lahat!” Dahil sa kalapitan ng “araw” na iyon, hindi ba dapat na ikabahala ng bawat isa ang kaniyang kasiguruhan sa panahon ng kakila-kilabot na araw na iyon? “Sino ang makatatagal dito?” ang tanong ni Joel. Siya’y sumagot: “Si Jehova ay magiging kanlungan para sa kaniyang bayan.” (Joel 1:15; 2:11; 3:16) Ang Diyos na Jehova ba ang magiging kanlungan ng mga may palalong espiritu at naglalagak ng kanilang pagtitiwala sa mga kayamanan, kapangyarihang militar, at sa gawang-taong mga diyos? Imposible! Pinabayaan ng Diyos maging ang kaniyang piniling bayan nang sila’y kumilos sa ganitong paraan. Anong pagkahala-halaga na ‘hanapin ang katuwiran, at hanapin ang kaamuan’ ng lahat ng mga lingkod ng Diyos, at taimtim na suriin ang dako ng pagsamba kay Jehova sa kanilang buhay!​—Zefanias 2:2, 3.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share