Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Maging Masaya Habang Matiyagang Naghihintay kay Jehova
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2024 | Pebrero
    • BAKIT INAASAHAN NI JEHOVA NA MAGHIHINTAY TAYO?

      Sinasabi ng Bibliya: “Si Jehova ay matiyagang naghihintay para magpakita ng kabutihan sa inyo, at kikilos siya para magpakita sa inyo ng awa. Dahil si Jehova ay Diyos ng katarungan. Maligaya ang lahat ng patuloy na naghihintay sa kaniya.” (Isa. 30:18) Para talaga sa masuwaying mga Judio ang mga sinabing ito ni Isaias. (Isa. 30:1) Pero may ilang Judio pa rin na tapat, at nagbigay sa kanila ng pag-asa ang mga salitang ito. Nagbibigay rin ito ng pag-asa sa tapat na mga lingkod ni Jehova ngayon.

      Kaya dapat tayong matiyagang maghintay dahil si Jehova mismo ay matiyagang naghihintay. Mayroon na siyang itinakdang panahon kung kailan niya wawakasan ang sistemang ito, at hinihintay niyang dumating ang araw at oras na iyon. (Mat. 24:36) Sa panahong iyon, mapapatunayang mali ang lahat ng akusasyon ni Satanas kay Jehova at sa mga lingkod Niya. Pagkatapos, aalisin ni Jehova si Satanas at ang lahat ng pumapanig sa kaniya, pero ‘magpapakita Siya sa atin ng awa.’

      Sa ngayon, hindi laging aalisin ni Jehova ang mga problema natin, pero tinitiyak niya na puwede tayong maging masaya habang naghihintay. Gaya ng sinabi ni Isaias, puwede tayong maging masaya habang naghihintay sa isang magandang bagay na mangyayari. (Isa. 30:18)a Paano natin iyan magagawa? May apat na bagay na makakatulong sa atin.

  • Maging Masaya Habang Matiyagang Naghihintay kay Jehova
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2024 | Pebrero
    • a Ang orihinal na salita na isinaling “patuloy na naghihintay” ay puwede ring mangahulugang “manabik na mangyari ang isang bagay.” Ipinapakita nito na hindi naman masama kung gusto na nating wakasan ni Jehova ang mga pagdurusa natin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share