Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Hari at ang Kaniyang mga Prinsipe
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 5-7. Anong papel ang ginagampanan ng inihulang “mga prinsipe” sa kawan ng Diyos?

      5 Gayunman, hangga’t umiiral ang kasalukuyang sanlibutan na puno ng pagkapoot, ang mga miyembro ng malaking pulutong ay nangangailangan ng proteksiyon. Ang malaking bahagi nito ay inilalaan ng “mga prinsipe” na ‘namamahala . . . ukol sa katarungan.’ Kay dakila ngang kaayusan! Ang ‘mga prinsipeng’ ito ay higit pang inilarawan sa maningning na mga salita ng hula ni Isaias: “Ang bawat isa ay magiging gaya ng taguang dako sa hangin at dakong kublihan sa bagyong maulan, gaya ng mga bukal ng tubig sa lupaing walang tubig, gaya ng lilim ng malaking bato sa lupaypay na lupain.”​—Isaias 32:2.

      6 Ngayon mismo sa panahong ito ng pambuong daigdig na kabagabagan, may pangangailangan para sa “mga prinsipe,” oo, sa matatanda na ‘magbibigay-pansin sa . . . buong kawan,’ mangangalaga sa kawan ni Jehova at maglalapat ng katarungan kasuwato ng matutuwid na simulain ni Jehova. (Gawa 20:28) Ang ganitong “mga prinsipe” ay dapat makaabot sa mga kahilingang nasa 1 Timoteo 3:2-7 at Tito 1:6-9.

      7 Sa kaniyang dakilang hula na naglalarawan sa nakahahapis na “katapusan ng sistema ng mga bagay,” sinabi ni Jesus: “Tiyakin ninyo na hindi kayo masindak.” (Mateo 24:3-8) Bakit hindi nasisindak ang mga tagasunod ni Jesus sa mapanganib na mga kalagayan ng daigdig sa ngayon? Ang isang dahilan ay sapagkat ang “mga prinsipe”​—sila man ay pinahiran o “ibang mga tupa”​—ay matapat na nagsasanggalang sa kawan. (Juan 10:16) Sila’y walang takot na nangangalaga sa kanilang mga kapatid na lalaki at babae, maging sa harap ng gayong kakilabutan gaya ng etnikong mga digmaan at paglipol ng lahi. Sa sanlibutang napagkakaitan sa espirituwal, kanilang tinitiyak na ang mga nanlulumong kaluluwa ay nagiginhawahan sa pamamagitan ng nakapagpapatibay na mga katotohanan ng Salita ng Diyos, ang Bibliya.

      8. Paano sinasanay at ginagamit ni Jehova ang “mga prinsipe” na kabilang sa ibang tupa?

      8 Sa nakaraang 50 taon, ang “mga prinsipe” ay maliwanag na nahayag. Ang “mga prinsipe” na kabilang sa ibang tupa ay sinasanay bilang isang uring “pinuno” upang pagkatapos ng malaking kapighatian, ang mga kuwalipikado sa kanila ay magiging handa upang atasang maglingkod sa isang tungkuling administratibo sa “bagong lupa.” (Ezekiel 44:2, 3; 2 Pedro 3:13) Sa pamamagitan ng pagbibigay ng espirituwal na patnubay at kaginhawahan habang sila’y nangunguna sa paglilingkod sa Kaharian, pinatutunayan nila ang kanilang sarili na “gaya ng lilim ng malaking bato,” na nagdudulot ng ginhawa sa kawang nasasakupan ng pagsamba nito.b

      9. Anong mga kalagayan ang nagpapakita na kailangan ang “mga prinsipe” sa ngayon?

      9 Sa mapanganib na mga huling araw na ito ng balakyot na sanlibutan ni Satanas, ang nag-alay na mga Kristiyano ay lubhang nangangailangan ng gayong proteksiyon. (2 Timoteo 3:1-5, 13) Ang malalakas na hangin ng huwad na doktrina at pilipit na propaganda ay humihihip. Ang mga bagyo ay nag-aalimpuyo sa anyo ng digmaan sa pagitan at sa loob ng mga bansa at pati na ang tuwirang pagsalakay sa matapat na mga mananamba ng Diyos na Jehova. Sa isang tigang na sanlibutan dahil sa espirituwal na tagtuyot, ang mga Kristiyano ay lubhang nangangailangan ng agos ng dalisay na tubig at walang-halong katotohanan upang mapawi ang kanilang espirituwal na pagkauhaw. Nakagagalak, ipinangako ni Jehova na ang kaniyang nagpupunong Hari, sa pamamagitan ng kaniyang pinahirang mga kapatid at ng umaalalay na “mga prinsipe” ng ibang tupa, ay maglalaan ng pampatibay-loob at patnubay sa mga nanlulumo at nasisiraan ng loob sa panahong ito ng pangangailangan. Titiyakin ni Jehova na iiral kung ano ang matuwid at makatarungan.

  • Ang Hari at ang Kaniyang mga Prinsipe
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • [Mga larawan sa pahina 333]

      Bawat ‘prinsipe’ ay gaya ng isang taguang dako sa hangin, kublihan sa ulan, tubig sa disyerto, at lilim sa araw

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share