-
Tinatahak Ngayon ng “Malaking Pulutong” ang “Daan” Patungo sa Organisasyon ng DiyosGumising!—1987 | Hunyo 22
-
-
1, 2. Kailan nagkaroon ng espirituwal na katuparan ang Isaias kabanata 35, at anong paglalarawan ang ibinibigay sa unang dalawang talata?
SA PANAHON ng Milenyong Paghahari ng “Prinsipe ng Kapayapaan,” marami sa mga tampok ng Isaias kabanata 35, na ngayo’y natutupad bago ang pagkawasak ng Babilonyang Dakila, ay matutupad sa sangkatauhan sa isang literal na diwa. Sapagkat kung ano ang matutupad sa espirituwal na paraan ay tiyak na matutupad sa pisikal na paraan. Ang malaking espirituwal na katuparan ng hulang ito ay nagaganap na ngayon, sa pagsasauli sa mga lingkod ng Diyos mula sa pagkabihag sa Babilonyang Dakila. Inilarawan ito ni propeta Isaias sa magandang pananalitang ito:
2 “Ang ilang at ang tuyong lupa ay sasayá, at ang malawak na disyerto ay magagalak at mamumulaklak na gaya ng rosa. Walang pagsalang ito’y mamumulaklak nang sagana, at magagalak ng kagalakan at awitan. Ang kaluwalhatian ng Lebanon mismo ay tataglayin niyaon, ang karilagan ng Carmel at ng Sharon. Kanilang makikita ang kaluwalhatian ni Jehova.”—Isaias 35:1, 2.
3. Noong ikaanim na siglo B.C.E., saan naroroon ang lupang tigang, at paano ito makapagsasayá?
3 Saan naroon ang ilang at ang tuyong lupa at ang malawak na disyerto? Noong ikaanim na siglo B.C.E., ito ay nasa teritoryo ng kaharian ng Juda. Noong 537 B.C.E., ang lupaing iyan ay naging tiwangwang at walang mga maninirahan sa loob ng 70 mga taon. Subalit paano maaaring magsayá ang ilang? Kailangang ibalik dito ang dating mga maninirahan nito. Ito ay kailangang itaas mula sa mababang katayuan nito at bigyan ng karangalan ng matataas na mga bundok ng maringal-pagmasdang Lebanon.
Paggawa ng Isang Makasagisag na Halamanan ng Eden
4, 5. (a) Sa modernong panahon, kailan naganap ang kahawig na pagbabago ng gayong pinabayaang lupain, at bakit? (b) Ano ang resulta ng mga gawaing pagpapanibagong-ayos ng pinahirang nalabi? (c) Paano inilalarawan ng Isaias 35:5-7 ang kanilang binagong espirituwal na kalagayan?
4 Sa espirituwal na diwa, ang modernong-panahong katulad na pagbabagong ito ng isang lupain mula sa isang anyo na pinabayaan-ng-Diyos tungo sa isang kalagayan na kakikitaan ng isinauling pagsang-ayon ni Jehova ay nagsimulang maganap noong 1919. Ang isinauling bayan ni Jehova ay determinadong samantalahin ang panahon ng kapayapaan na nabuksan noon. Inatasan ng Lalong-dakilang Ciro, si Jesu-Kristo, at ng kaniyang Ama, ang Diyos na Jehova, ang pinalayang nalabi ng espirituwal na mga Israelita na gawin ang isang kamangha-manghang gawain na katumbas ng pagtatayong-muli ng templo ni Jehova ng pinabalik sa kanilang bayan na nalabi ng sinaunang Israel pagkaraan ng 537 B.C.E. Ang mga gawain ng pagpapanibagong-ayos pagkaraan ng 1919 ay nagbunga sa paggawa ng isang makasagisag na halamanan ng Eden.
-
-
Tinatahak Ngayon ng “Malaking Pulutong” ang “Daan” Patungo sa Organisasyon ng DiyosGumising!—1987 | Hunyo 22
-
-
9. Sa espirituwal na paraan, paano bumukal ang tubig sa ilang?
9 Oo, para bang ang mga tubig ay bumukal sa espirituwal na lupain na dating tuyo at ilang, anupa’t ngayon ang lahat ay pawang luntian dahilan sa saganang pananim—handang maging pinakamabunga. Hindi kataka-taka na ang ibinalik na bayan ni Jehova ay nagalak na lubha at lumakas na gaya ng usa na masiglang umaakyat sa mga kaitaasan! Tunay, ang tubig ng katotohanan tungkol sa Kaharian ng Diyos, na natatag sa mga kamay ni Jesu-Kristo noong 1914, ay malakas na bumubulwak, na nagdudulot ng kamangha-manghang kaginhawahan.—Isaias 44:1-4.
-