Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Praktikal na mga Aral Mula sa Lupang Pangako
    Ang Bantayan—1996 | Agosto 15
    • Ang mga Burol ng Carmel

      Ang pangalang Carmel ay nangangahulugang “Looban ng mga Bungang-Kahoy.” Ang mayamang rehiyong ito sa hilaga, mga 50 kilometro ang haba, ay napapalamutian ng mga ubasan, mga taniman ng olibo, at mga punungkahoy na namumunga. Ang yumi at ganda ng pinakatulis ng hanay na mga burol na ito ay di-malilimot. Binabanggit ng Isaias 35:2 ang “karilagan ng Carmel” bilang sagisag ng mabungang kaluwalhatian ng isinauling lupain ng Israel.

  • Praktikal na mga Aral Mula sa Lupang Pangako
    Ang Bantayan—1996 | Agosto 15
    • Ang dalisdis ng Carmel ay mayroon pa ring mga looban ng mga bungang-kahoy, mga taniman ng olibo, at ubasan. Sa panahon ng tagsibol, ang mga dalisdis na ito’y nalalatagan ng maririkit na pagtatanghal ng mga bulaklak. “Ang iyong ulo ay gaya ng Carmel,” sabi ni Solomon sa babaing Sulamita, marahil ay dahil sa kaniyang makapal na buhok o sa pagiging maharlika ng kaniyang ulo na may magandang hubog mula sa kaniyang leeg.​—Awit ni Solomon 7:5.

      Ang karilagan na siyang katangian ng mga burol ng Carmel ay nagpapagunita sa atin ng espirituwal na kagandahang ipinagkaloob ni Jehova sa kaniyang modernong-panahong organisasyon ng mga mánanambá. (Isaias 35:1, 2) Ang mga Saksi ni Jehova ay tunay na namumuhay sa isang espirituwal na paraiso, at sila’y sang-ayon sa naging damdamin ni Haring David, na sumulat: “Ang pising panukat ay nahulog sa akin sa kaayaayang mga dako. Oo, ang aking sariling tinatangkilik ay nakalulugod sa akin.”​—Awit 16:6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share