Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Naisauling Paraiso!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 20. Anong bagong Israel ang lumitaw noong unang siglo C.E.?

      20 Sa takdang panahon ni Jehova, isa pang Israel, isang espirituwal, ang lumitaw. (Galacia 6:16) Inihanda ni Jesus ang daan para sa pagsilang ng bagong Israel na ito noong kaniyang makalupang ministeryo. Kaniyang isinauli ang dalisay na pagsamba, at sa pamamagitan ng kaniyang mga turo, ang mga tubig ng katotohanan ay muling nagpasimulang umagos. Kaniyang pinagaling ang maysakit, kapuwa sa pisikal at espirituwal. Isang sigaw ng kagalakan ang umalingawngaw habang ang mabuting balita ng Kaharian ng Diyos ay inihahayag. Pitong linggo pagkamatay niya at pagkabuhay-muli, itinatag ng niluwalhating si Jesus ang Kristiyanong kongregasyon, isang espirituwal na Israel na binubuo ng mga Judio at ng iba pang tinubos ng itinigis na dugo ni Jesus, inianak bilang mga espirituwal na mga anak ng Diyos at mga kapatid ni Jesus, at pinahiran ng banal na espiritu.​—Gawa 2:1-4; Roma 8:16, 17; 1 Pedro 1:18, 19.

      21. Hinggil sa unang-siglong Kristiyanong kongregasyon, anong mga pangyayari ang maaaring malasin bilang isang katuparan ng ilang bahagi ng hula ni Isaias?

      21 Sa pagsulat sa mga miyembro ng espirituwal na Israel, si apostol Pablo ay tumukoy sa mga salita ng Isaias 35:3 sa pagsasabing: “Iunat ninyo ang mga kamay na nakalaylay at ang mga nanghihinang tuhod.” (Hebreo 12:12) Maliwanag, kung gayon, nagkaroon ng katuparan ang mga salita ni Isaias sa kabanata 35 noong unang siglo C.E. Sa literal na diwa, si Jesus at ang kaniyang mga alagad ay makahimalang nagbigay ng paningin sa mga bulag at ng pakinig sa mga bingi. Pinapangyari nilang ang “mga pilay” ay lumakad at ang mga pipi ay muling makapagsalita. (Mateo 9:32; 11:5; Lucas 10:9) Higit na mahalaga, ang tapat-pusong mga tao ay nakatakas mula sa huwad na relihiyon at nagtamasa ng espirituwal na paraiso sa loob ng Kristiyanong kongregasyon. (Isaias 52:11; 2 Corinto 6:17) Sa kaso ng mga Judio na nagbalik mula sa Babilonya, nasumpungan ng mga nakatakas na ito na mahalaga ang isang positibo, may tibay-loob na espiritu.​—Roma 12:11.

  • Naisauling Paraiso!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 23, 24. Sa anong mga paraan natupad ang mga salita ni Isaias sa bayan ng Diyos mula noong 1919?

      23 Gayunman, noong 1919, nagbago ang mga bagay-bagay. Inilabas ni Jehova ang kaniyang bayan mula sa pagkabihag. Sila’y nagsimulang tumanggi sa mga huwad na turo na noong una ay nagpasamâ sa kanilang pagsamba. Bilang resulta, tinamasa nila ang pagpapagaling. Sila’y napasa espirituwal na paraiso, na maging sa ngayon ay patuloy na lumalaganap sa buong lupa. Sa espirituwal na diwa, ang bulag ay natututong makakita at ang bingi, makarinig​—na nagiging lubusang alisto sa pagkilos ng banal na espiritu ng Diyos, laging gising sa pangangailangang manatiling malapit kay Jehova. (1 Tesalonica 5:6; 2 Timoteo 4:5) Yamang hindi na pipi, ang tunay na mga Kristiyano ay nananabik na ‘humiyaw,’ sa paghahayag sa iba ng mga katotohanan ng Bibliya. (Roma 1:15) Yaong mga mahina sa espirituwal, o “pilay,” ay nagpapamalas ngayon ng sigasig at kagalakan. Sa makasagisag na diwa, sila ay ‘maaaring umakyat na gaya ng lalaking usa.’

  • Naisauling Paraiso!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 25. Magkakaroon ba ng isang pisikal na katuparan ang Isaias kabanata 35? Ipaliwanag.

      25 Kumusta naman sa hinaharap? Ang hula ba ni Isaias ay matutupad sa pisikal na paraan? Oo. Ang makahimalang pagpapagaling ni Jesus at ng kaniyang mga apostol noong unang siglo ay nagpapakita sa pagnanais at kakayahan ni Jehova na magsagawa ng gayong mga pagpapagaling sa mas malaking paraan sa hinaharap. Ang kinasihang mga Awit ay bumanggit ng buhay na walang hanggan sa mapayapang mga kalagayan sa lupa. (Awit 37:9, 11, 29) Ipinangako ni Jesus ang buhay sa Paraiso. (Lucas 23:43) Hanggang sa pinakahuling aklat nito, ang Bibliya ay naglalaan ng pag-asa para sa isang literal na paraiso. Sa panahong iyon, ang bulag, ang bingi, ang pilay, at ang pipi ay gagaling sa pisikal at ito’y permanente. Ang pagdadalamhati at pagbubuntunghininga ay mawawala na. Ang pagsasaya ay tunay na magiging hanggang sa panahong walang takda, maging sa walang hanggan.​—Apocalipsis 7:9, 16, 17; 21:3, 4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share