Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • May Dahilan Tayo Upang Humiyaw sa Kagalakan
    Ang Bantayan—1996 | Pebrero 15
    • “Pagbubunyi at pagsasaya ay kanilang makakamit, at ang pamimighati at pagbubuntung-hininga ay dapat na tumanan.”​—ISAIAS 35:10.

  • May Dahilan Tayo Upang Humiyaw sa Kagalakan
    Ang Bantayan—1996 | Pebrero 15
    • 3. Anong makahulugang mga salita ang nararapat nating bigyang-pansin, at bakit?

      3 Alalahanin ang mga salita ni Jesus: “Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay mapasainyo at ang inyong kagalakan ay malubos.” (Juan 15:11) “Ang inyong kagalakan ay malubos.” Napakagandang paglalarawan! Ang isang malalim na pag-aaral sa Kristiyanong paraan ng pamumuhay ay magsisiwalat ng maraming dahilan kung bakit lubos ang ating kagalakan. Subalit ngayon, pansinin ang makahulugang mga salita sa Isaias 35:10. Makahulugan ang mga ito sapagkat malaki ang kinalaman nito sa atin sa ngayon. Mababasa natin: “Mismong ang mga tinubos ni Jehova ay babalik at tiyak na paroroon sa Sion taglay ang may-kagalakang hiyaw; at pagsasaya hanggang sa panahong walang-takda ay mapapasa ibabaw ng kanilang ulo. Pagbubunyi at pagsasaya ay kanilang makakamit, at ang pamimighati at pagbubuntung-hininga ay dapat na tumanan.”

      4. Anong uri ng kagalakan ang binabanggit sa Isaias 35:10, at bakit natin dapat bigyang pansin ito?

      4 “Pagsasaya hanggang sa panahong walang-takda.” Ang pariralang “hanggang sa panahong walang-takda” ay isang wastong pagkasalin ng isinulat ni Isaias sa Hebreo. Ngunit, gaya ng tiniyak sa ibang kasulatan, ang kahulugan sa talatang ito ay “magpakailanman.” (Awit 45:6; 90:2; Isaias 40:28) Kaya magiging walang-katapusan ang pagsasaya, sa mga kalagayang magpapahintulot​—oo, magbibigay-katuwiran​—sa walang-hanggang pagsasaya. Hindi ba nakalulugod pakinggan iyan? Subalit, marahil ang talatang iyan para sa inyo ay isang kalagayan na nasa isip lamang, anupat aakalain ninyo: ‘Hindi naman ako talagang nasasangkot diyan sa diwa na nasasangkot ang mga suliranin at pinagkakaabalahan ko sa araw-araw.’ Pero hindi gayon ang pinatutunayan ng mga katotohanan. Ang makahulang pangako sa Isaias 35:10 ay may kahulugan para sa inyo ngayon. Upang malaman kung papaano, suriin natin ang magandang kabanatang ito, ang Isaias 35, anupat isinasaalang-alang ang bawat bahagi ng konteksto. Tiyak na masisiyahan kayo sa ating masusumpungan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share