Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Aliwin Ninyo ang Aking Bayan”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 19, 20. Upang idiin ang kadakilaan ni Jehova, anong matitingkad na ilustrasyon ang ginagamit ni Isaias?

      19 Kumusta naman ang makapangyarihang mga bansa sa lupa​—kaya ba nilang hadlangan ang Diyos habang tinutupad niya ang kaniyang salita ng pangako? Si Isaias ay sumasagot sa pamamagitan ng paglalarawan sa mga bansa gaya ng sumusunod: “Narito! Ang mga bansa ay gaya ng isang patak mula sa timba; at ibinibilang silang gaya ng manipis na alikabok sa timbangan. Narito! Itinataas niya ang mga pulo na gaya lamang ng pinong alabok. Maging ang Lebanon ay hindi sapat upang mapanatiling nagniningas ang apoy, at ang maiilap na hayop nito ay hindi sapat bilang handog na sinusunog. Ang lahat ng mga bansa ay gaya ng isang bagay na hindi umiiral sa harap niya; sa kaniya ay nabilang silang walang kabuluhan at isang kabulaanan.”​—Isaias 40:15-17.

      20 Para kay Jehova, ang lahat ng mga bansa ay kagaya ng isang patak ng tubig na nahuhulog mula sa isang timba. Sila’y nakakatulad lamang ng pinong alikabok na natitipon sa isang timbangan, na walang anumang epekto.c Ipagpalagay nang may isang taong magtatayo ng isang pagkalaki-laking altar at ang gagamiting panggatong sa altar ay ang lahat ng mga puno na tumatakip sa mga kabundukan ng Lebanon. Pagkatapos ipagpalagay na kaniyang ihahandog bilang mga hain ang lahat ng mga hayop na gumagala-gala sa mga kabundukang yaon. Maging ang gayong handog ay hindi magiging karapat-dapat kay Jehova. Para bang hindi pa sapat ang ginamit na matalinghagang paglalarawan, si Isaias ay gumamit ng higit pang matinding pananalita​—lahat ng mga bansa ay “walang kabuluhan” sa paningin ni Jehova.​—Isaias 40:17, New Revised Standard Version.

  • “Aliwin Ninyo ang Aking Bayan”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • c Ang The Expositor’s Bible Commentary ay nagsasabi: “Hindi pinapansin ng mga negosyante sa Malapit na Silangang pamilihang dako ang maliliit na patak ng tubig sa panukat na timba o ang kaunting alikabok sa mga timbangan kapag nagtitimbang ng karne o prutas.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share