Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Aliwin Ninyo ang Aking Bayan”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 26, 27. Paano inilarawan ang damdamin ng mga tapon sa Babilonya, at anong mga bagay ang dapat nilang malaman?

      26 Sa pagkaalam na ang mga taon ng pagkabihag ay makapagpapatamlay sa espiritu ng mga tapong Judio, kinasihan ni Jehova si Isaias na iulat nang patiuna ang mga salitang ito ng katiyakan: “Ano ang dahilan at sinasabi mo, O Jacob, at sinasalita mo, O Israel, ‘Ang aking daan ay nakubli mula kay Jehova, at ang katarungan para sa akin ay nakalalampas sa aking Diyos’? Hindi ba ninyo nalaman o hindi ba ninyo narinig? Si Jehova, ang Maylalang ng mga dulo ng lupa, ay Diyos hanggang sa panahong walang takda. Hindi siya napapagod o nanlulupaypay. Hindi maaarok ang kaniyang unawa.”​—Isaias 40:27, 28.d

      27 Iniulat ni Isaias ang mga salita ni Jehova na naglalarawan sa damdamin ng mga tapon sa Babilonya, daan-daang kilometro mula sa kanilang lupang-tinubuan. Iniisip ng ilan na ang kanilang “daan”​—ang mahirap na landas ng kanilang pamumuhay​—ay hindi nakikita o nalalaman ng kanilang Diyos. Iniisip nila na bale-wala kay Jehova ang dinaranas nilang kawalang-katarungan. Ipinaalaala sa kanila ang mga bagay na dapat nilang malaman, kung hindi mula sa personal na karanasan, kahit man lamang mula sa impormasyon na ibinigay sa kanila. Si Jehova ay may kakayahan at may pagnanais na iligtas ang kaniyang bayan. Siya ang walang-hanggang Diyos at ang Maylalang ng buong lupa. Kaya, taglay pa rin niya ang kapangyarihan na ipinakita niya sa paglalang, at nasa abot niya maging ang makapangyarihang Babilonya. Ang gayong Diyos ay hindi napapagod at hindi bumibigo sa kaniyang bayan. Hindi nila dapat asahan na ganap nilang mauunawaan ang mga ginagawa ni Jehova, yamang ang kaniyang unawa​—o malalim na unawa, kaunawaan, at pang-unawa​—ay higit sa kanilang nauunawaan.

  • “Aliwin Ninyo ang Aking Bayan”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • d Sa Isaias 40:28, ang pananalitang “panahong walang takda” ay nangangahulugang “magpakailanman,” yamang si Jehova ay “Haring walang-hanggan.”​—1 Timoteo 1:17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share