Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Aliwin Ninyo ang Aking Bayan”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 28, 29. (a) Paano pinaalalahanan ni Jehova ang kaniyang bayan na siya’y tutulong sa mga nanlulupaypay? (b) Anong ilustrasyon ang ginamit upang ipakita kung paano pinalalakas ni Jehova ang kaniyang mga lingkod?

      28 Sa pamamagitan ni Isaias, patuloy na pinatitibay-loob ni Jehova ang mga tapong walang kapag-á-pag-asa: “Siya ay nagbibigay ng lakas sa pagod; at ang isa na walang dinamikong lakas ay pinasasagana niya sa lubos na kalakasan. Ang mga batang lalaki ay kapuwa mapapagod at manlulupaypay, at ang mga kabinataan ay walang pagsalang mabubuwal, ngunit yaong mga umaasa kay Jehova ay magpapanibagong-lakas. Sila ay paiilanlang na may mga pakpak na gaya ng mga agila. Sila ay tatakbo at hindi manlulupaypay; sila ay lalakad at hindi mapapagod.”​—Isaias 40:29-31.

      29 Sa pagsasabing kailangang bigyan ng lakas ang mga napapagod, maaaring taglay ni Jehova sa isipan ang mahirap na paglalakbay na kailangang gawin ng mga tapon upang makauwi sa kanilang tahanan. Pinaaalalahanan ni Jehova ang kaniyang bayan na likas sa kaniya ang tumulong sa mga nanlulupaypay na humihingi sa kaniya ng tulong. Maging ang pinakamalakas sa mga tao​—ang “mga batang lalaki” at ang “mga kabinataan”​—ay maaaring manlupaypay dahil sa pagod at mabuwal dahil sa panlalata. Subalit, si Jehova ay nangangako na magbibigay ng lakas​—lakas na walang panlulupaypay upang makatakbo at makalakad​—sa mga nagtitiwala sa kaniya. Ang tila walang hirap na paglipad ng agila, isang malakas na ibon na maaaring pumailanlang sa loob ng ilang oras sa isang pagkakataon, ay ginamit upang ilarawan kung paanong si Jehova ay nagpapalakas sa kaniyang mga lingkod.e Taglay ang pag-asa sa gayong suporta ng Diyos, ang mga tapong Judio ay walang dahilan upang masiraan ng loob.

  • “Aliwin Ninyo ang Aking Bayan”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 30. Paano makakakuha ang mga tunay na Kristiyano sa ngayon ng kaaliwan mula sa katapusang mga talata ng Isaias kabanata 40?

      30 Ang katapusang mga talatang ito ng Isaias kabanata 40 ay naglalaman ng mga salita ng kaaliwan para sa mga tunay na Kristiyanong nabubuhay sa mga huling araw ng balakyot na sistemang ito. Dahilan sa napakaraming panggigipit at mga suliraning nakasisira ng loob, nagbibigay-katiyakan na malaman na ang mga kahirapang ating binabata at ang ating pagdurusa dahil sa kawalang-katarungan ay hindi palalampasin ng ating Diyos. Tayo’y makatitiyak na itutuwid ng Maylalang ng lahat ng mga bagay, ang Isa na ang “unawa ay higit pa sa maisasalaysay,” ang lahat ng kawalang-katarungan sa kaniyang panahon at paraan. (Awit 147:5, 6) Samantala, hindi tayo kailangang magbata sa ating sariling lakas. Si Jehova, na nagtataglay ng mga bagay na hindi nauubos, ay makapagbibigay ng lakas​—maging ng “lakas na higit sa karaniwan”​—sa kaniyang mga lingkod sa mga panahon ng pagsubok.​—2 Corinto 4:7.

  • “Aliwin Ninyo ang Aking Bayan”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • e Ang agila ay nakapananatili sa himpapawid sa paggamit ng kaunti lamang na enerhiya. Nagagawa ito sa pamamagitan ng bihasang paggamit ng mga thermal, o mga tumataas na daloy ng mainit na hangin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share