Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Alagaan Mo ang Punong Ubas na Ito”!
    Ang Bantayan—2006 | Hunyo 15
    • Upang makagawa ng maraming alak, kailangang alagaang mabuti ng mga magsasakang Israelita ang kanilang mga punong ubas. Inilalarawan ng aklat ni Isaias kung paano binubungkal ng karaniwang Israelita na tagapag-alaga ng ubasan ang lupa sa dalisdis ng burol at inaalis ang anumang malalaking bato bago itanim ang kaniyang “piling punong ubas na pula.” Pagkatapos, maaari siyang magtayo ng batong pader, gamit ang mga batong inalis niya sa lupa. Makatutulong ang pader na ito upang maipagsanggalang ang kaniyang ubasan mula sa mga baka na maaaring makatapak sa mga ito. Nagsisilbi rin itong proteksiyon mula sa mga sorra, baboy-ramo, at mga magnanakaw. Maaari din siyang humukay ng pisaan ng ubas at magtayo ng isang maliit na tore na magsisilbing preskong tirahan sa panahon ng pag-aani kapag nangangailangan ang mga punong ubas ng karagdagang proteksiyon. Pagkatapos ng lahat ng patiunang trabahong ito, makaaasa siya ng magandang ani ng mga ubas.​—Isaias 5:1, 2.a

  • “Alagaan Mo ang Punong Ubas na Ito”!
    Ang Bantayan—2006 | Hunyo 15
    • Inihalintulad ni Isaias ang “sambahayan ng Israel” sa isang ubasan na unti-unting namunga ng “mga ubas na ligáw,” o bulok na mga beri. (Isaias 5:2, 7) Mas maliliit ang mga ubas na ligáw kaysa sa itinatanim na ubas at kakaunti ang laman nito anupat halos buto na lamang ang buong bunga. Hindi mapakikinabangan ang ubas na ligáw sa paggawa ng alak at hindi ito kinakain​—isang angkop na sagisag ng apostatang bansa na ang mga bunga ay katampalasanan sa halip na katuwiran. Hindi kasalanan ng Tagapagsaka ng punong ubas kung bakit naging gayon ang mga bunga nito. Ginawa ni Jehova ang lahat ng makakaya niya upang maging mabunga ang bansa. “Ano pa ba ang magagawa para sa aking ubasan na hindi ko pa nagawa roon?” ang tanong niya.​—Isaias 5:4.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share