Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nakaaaliw na mga Makahulang Salita na Nagsasangkot sa Iyo
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 6. Paano inilalarawan ng propeta ang isang manlulupig na darating?

      6 Sa pamamagitan ni Isaias, inihula ni Jehova ang isang manlulupig na kapuwa magliligtas sa bayan ng Diyos mula sa Babilonya at hahatol sa kanilang mga kaaway. Nagtanong si Jehova: “Sino ang pumukaw sa isa mula sa sikatan ng araw? Sino ang ayon sa katuwiran ay tumawag sa kaniya sa Kaniyang paanan, upang ibigay sa harap niya ang mga bansa, at upang ipasupil sa kaniya ang mga hari? Sino ang nagbibigay sa kanila sa kaniyang tabak na parang alabok, anupat itinataboy silang gaya lamang ng pinaggapasan sa pamamagitan ng kaniyang busog? Sino ang tumutugis sa kanila, na mapayapang idinaraan ang kaniyang mga paa sa landas na hindi niya pinanggalingan? Sino ang kumilos at gumawa nito, na tumatawag sa mga salinlahi mula sa pasimula? Ako, si Jehova, ang Una; at sa mga huli ay gayon pa rin ako.”​—Isaias 41:​2-4.

  • Nakaaaliw na mga Makahulang Salita na Nagsasangkot sa Iyo
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 8. Ano ang bagay na tanging si Jehova lamang ang makagagawa?

      8 Samakatuwid, sa pamamagitan ni Isaias, inihula ni Jehova ang pagbangon ni Ciro matagal pa bago ipanganak ang haring iyan. Tanging ang tunay na Diyos lamang ang makahuhula ng gayong bagay sa eksaktong paraan. Walang mga huwad na diyos ng mga bansa ang makapapantay kay Jehova. Taglay ang mabuting dahilan, sinabi ni Jehova: “Sa kaninuman ay hindi ko ibibigay ang aking kaluwalhatian.” Tanging si Jehova lamang ang may-karapatang magsabi: “Ako ang una at ako ang huli, at bukod pa sa akin ay walang Diyos.”​—Isaias 42:​8; 44:​6, 7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share