Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sa Aba ng Taksil na Ubasan!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 2 Ang talinghaga ni Isaias ay nagsisimula: “Pakisuyong paawitin ninyo ako sa aking minamahal ng isang awit tungkol sa iniibig ko may kinalaman sa kaniyang ubasan. Nagkaroon ng ubasan ang aking minamahal sa isang mabungang dalisdis ng burol. At kaniyang binungkal iyon at inalisan ng mga bato at tinamnan ng isang piling punong ubas na pula, at nagtayo siya ng tore sa gitna niyaon. At isang pisaan ng ubas din ang hinukay niya roon. At patuloy siyang umaasa na magbubunga iyon ng mga ubas, ngunit nang maglaon ay nagbunga iyon ng mga ubas na ligáw.”​—Isaias 5:1, 2; ihambing ang Marcos 12:1.

  • Sa Aba ng Taksil na Ubasan!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 4 Kailangan ang pagpapagal upang magbunga ang ubasan. Inilalarawan ni Isaias ang ginagawa ng may-ari na ‘pagbubungkal ng lupa at pag-aalis ng mga bato’​—isang nakapapagod at nakahahapong gawain! Malamang na ginagamit niya ang malalaking bato upang ‘magtayo ng isang tore.’ Noong sinaunang panahon ang gayong mga tore ay nagsisilbing puwesto ng mga tanod na nagbabantay sa mga pananim upang huwag pasukin ng mga magnanakaw at mga hayop.a Gayundin, siya’y naghilera ng mga bato upang paderan ang baytang-baytang na ubasan. (Isaias 5:5) Ito’y karaniwang ginagawa upang huwag maagnas ang mahalagang pang-ibabaw na lupa.

      5. Ano ang natural na dapat asahan ng may-ari sa kaniyang ubasan, subalit ano ang kaniyang natamo?

      5 Dahil sa lubos na pagpapagal upang pangalagaan ang kaniyang ubasan, natural na umasa ang may-ari na ito ay magbubunga. Bilang paghahanda rito, siya’y humuhukay ng isang pisaan ng ubas. Subalit ang inaasahan bang ani ay nangyari? Hindi, ang ubasan ay nagbunga ng mga ubas na ligáw.

  • Sa Aba ng Taksil na Ubasan!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • a Naniniwala ang ilang iskolar na ang mas mumurahing pansamantalang kayarian, tulad ng mga kubol, o kubo, ay higit na karaniwan kaysa sa mga batong tore. (Isaias 1:8) Ang pagkanaroroon ng isang tore ay nagpapahiwatig na ang may-ari ay gumawa ng di-karaniwang pagsisikap para sa kaniyang “ubasan.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share