Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Puwede Kang Maging Kaibigan ni Jehova
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 6. Ang ginagawa ni Jehova para sa mga kaibigan niya

      Tinutulungan ni Jehova ang mga kaibigan niya na makayanan ang mga problema. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: Napakalaki ng Naitulong sa Akin ni Jehova (3:​20)

      • Paano tinulungan ni Jehova ang isang babae na mawala ang negatibong kaisipan at damdamin nito?

      Basahin ang Isaias 41:​10, 13. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      • Ano ang ipinangako ni Jehova na gagawin niya para sa lahat ng kaibigan niya?

      • Sa tingin mo, magiging mabuting Kaibigan mo kaya si Jehova? Bakit?

      Mga larawan: Malalapít na magkakaibigan na nagtutulungan sa isa’t isa. 1. Lalaking tumutulong sa isang kaibigan na ilipat ang isang mesa. 2. Babaeng nagsasabi ng kaniyang niloloob sa isang kaibigan. 3. Lalaking nakasaklay habang inaakay ng kaibigan niya.

      Handang tumulong sa iyo ang malalapít mong kaibigan. Tutulungan ka rin ni Jehova

  • Puwede Kang Maging Kaibigan ni Jehova
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Paano Mo Ipapangaral ang Mabuting Balita?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 3. Kasama mo si Jehova

      Kinakabahan ang ilan sa sasabihin ng iba o magiging reaksiyon ng makakausap nila.

      • Kinakabahan ka bang sabihin sa iba ang mga natututuhan mo? Bakit?

      Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: Nanalangin Ako kay Jehova na Bigyan Ako ng Lakas ng Loob (4:​00)

      • Ano ang ginawa ng mga kabataang Saksi para mawala ang takot o kaba nila?

      Basahin ang Isaias 41:10. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Kapag natatakot kang mangaral, paano makakatulong sa iyo ang panalangin?

      Alam mo ba?

      Maraming Saksi ni Jehova ang nag-iisip noon na hindi nila kayang mangaral. Tingnan ang halimbawa ni Sergey. Mababa ang tingin niya sa sarili at hiráp siyang makipag-usap sa iba. Pero nang mag-aral siya ng Bibliya, sinabi niya: “Kahit kinakabahan ako, sinasabi ko pa rin sa iba ang mga natututuhan ko. Nagulat ako kasi habang sinasabi ko iyon sa iba, mas nagiging confident ako. At mas nagiging totoo sa akin ang mga paniniwala ko.”

  • Handa Ka Na Bang Magpabautismo?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 6. Magtiwala sa tulong ni Jehova

      Babae na nangangaral sa isang may-edad nang babae. Kasama niya ang nagtuturo sa kaniya ng Bibliya.

      Tutulungan ka ni Jehova para mapasaya mo siya. Panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang mga tanong na ito:

      VIDEO: Tutulungan Ka ng Diyos na Jehova (2:​50)

      • Sa video, ano ang nakakapigil sa isang nag-aaral ng Bibliya na magpabautismo?

      • Paano tumibay ang pagtitiwala niya kay Jehova?

      Basahin ang Isaias 41:​10, 13. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Bakit ka makakapagtiwala na matutupad mo ang mga ipinangako mo sa pag-aalay mo kay Jehova?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share