Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ako, si Jehova na Iyong Diyos, ay Nakahawak sa Iyong Kanang Kamay”
    Ang Bantayan—2012 | Enero 1
    • “Ako, si Jehova na Iyong Diyos, ay Nakahawak sa Iyong Kanang Kamay”

      “HUMAWAK ka sa kamay ko,” ang sabi ng isang ama sa kaniyang anak bago sila tumawid ng kalsada. Dahil sa mahigpit na hawak ng ama sa maliit na kamay ng kaniyang anak, ang pakiramdam ng bata ay wala siyang dapat katakutan. Naiisip mo ba na sana’y may humawak din sa iyong kamay para akayin ka sa pagtahak mo sa walang-katiyakang buhay? Kung oo, tiyak na maaaliw ka sa mga pananalitang isinulat ni Isaias.​—Basahin ang Isaias 41:10, 13.

      Ang mga salitang ito na isinulat ni Isaias ay para sa Israel. Bagaman ang bansang iyon ay itinuring ng Diyos bilang kaniyang “pantanging pag-aari,” napalilibutan naman ito ng mga kaaway. (Exodo 19:5) May dapat bang ikatakot ang Israel? Ginamit ni Jehova si Isaias para sabihin ang isang nakapagpapatibay na mensahe. Habang sinusuri natin iyon, tandaan natin na kapit din iyon sa mga mananamba ng Diyos sa ngayon.​—Roma 15:4.

  • “Ako, si Jehova na Iyong Diyos, ay Nakahawak sa Iyong Kanang Kamay”
    Ang Bantayan—2012 | Enero 1
    • Kung gayon, ano ang maaasahan ng mga mananamba ni Jehova mula sa kaniya? Nangangako siya: “Talagang aalalayan kitang mabuti sa pamamagitan ng aking kanang kamay ng katuwiran.” (Talata 10) Sinabi pa niya: “Ako, si Jehova na iyong Diyos, ay nakahawak sa iyong kanang kamay.” (Talata 13) Ano ang naiisip mo kapag naririnig mo ang mga salitang iyan? “Kapag binabasa ang dalawang talatang ito, buung-buo ang larawan ng magulang at anak,” ang sabi ng isang reperensiya. “[Ang ama] ay hindi lang basta naghihintay kung kailan siya kikilos, kundi kasa-kasama rin ng anak; hindi niya hahayaang mahiwalay sa kaniya ang anak.” Isipin mo​—hindi hahayaan ni Jehova na mahiwalay mula sa kaniya ang kaniyang bayan, kahit na sa waring pinakamahihirap na sandali ng kanilang buhay.​—Hebreo 13:5, 6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share