Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sa Aba ng Taksil na Ubasan!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 4 Kailangan ang pagpapagal upang magbunga ang ubasan. Inilalarawan ni Isaias ang ginagawa ng may-ari na ‘pagbubungkal ng lupa at pag-aalis ng mga bato’​—isang nakapapagod at nakahahapong gawain! Malamang na ginagamit niya ang malalaking bato upang ‘magtayo ng isang tore.’ Noong sinaunang panahon ang gayong mga tore ay nagsisilbing puwesto ng mga tanod na nagbabantay sa mga pananim upang huwag pasukin ng mga magnanakaw at mga hayop.a Gayundin, siya’y naghilera ng mga bato upang paderan ang baytang-baytang na ubasan. (Isaias 5:5) Ito’y karaniwang ginagawa upang huwag maagnas ang mahalagang pang-ibabaw na lupa.

  • Sa Aba ng Taksil na Ubasan!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 6, 7. (a) Sino ang may-ari ng ubasan, at ano ang ubasan? (b) Anong paghatol ang hinihiling ng may-ari?

      6 Sino ang may-ari, at ano ang ubasan? Ipinakita ng may-ari ng ubasan ang kasagutan sa mga tanong na ito nang siya mismo ay magsalita: “Ngayon, O kayong mga tumatahan sa Jerusalem at kayong mga tao ng Juda, pakisuyong humatol kayo sa pagitan ko at ng aking ubasan. Ano pa ba ang magagawa para sa aking ubasan na hindi ko pa nagawa roon? Bakit ako umasa na magbubunga iyon ng mga ubas, ngunit nang maglaon ay nagbunga iyon ng mga ubas na ligáw? At ngayon, pakisuyo, maaari bang ipaalam ko sa inyo kung ano ang gagawin ko sa aking ubasan: Aalisin ang halamang-bakod nito, at itatalaga iyon sa pagsunog. Gigibain ang batong pader nito, at itatalaga iyon bilang dakong niyuyurakan.”​—Isaias 5:3-5.

  • Sa Aba ng Taksil na Ubasan!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 9. Paano pinakitunguhan ni Jehova ang kaniyang bayan tulad ng isang pinakaiingatang ubasan?

      9 ‘Itinanim’ ni Jehova ang kaniyang bansa sa lupain ng Canaan at ibinigay sa kanila ang kaniyang mga kautusan at mga regulasyon, na nagsilbing pader upang ipagsanggalang sila mula sa pagpapasamâ ng ibang mga bansa. (Exodo 19:5, 6; Awit 147:19, 20; Efeso 2:14) Karagdagan pa, binigyan sila ni Jehova ng mga hukom, mga saserdote, at mga propeta upang turuan sila. (2 Hari 17:13; Malakias 2:7; Gawa 13:20) Nang nanganganib ang Israel sa pananalakay ng militar, si Jehova ay nagbangon ng mga tagapagligtas. (Hebreo 11:32, 33) Kaya may dahilan si Jehova sa pagtatanong: “Ano pa ba ang magagawa para sa aking ubasan na hindi ko pa nagawa roon?”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share