Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Aking Pinili, na Sinang-ayunan ng Aking Kaluluwa!”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 3. Ano ang inihula ni Jehova sa pamamagitan ni Isaias hinggil sa “aking lingkod”?

      3 Sa pamamagitan ni Isaias, inihula ni Jehova ang pagdating ng isang lingkod na siya mismo ang pipili: “Narito! Ang aking lingkod, na inaalalayan kong mabuti! Ang aking pinili, na sinang-ayunan ng aking kaluluwa! Inilagay ko sa kaniya ang aking espiritu. Katarungan sa mga bansa ang itatanghal niya. Hindi siya sisigaw o maglalakas ng kaniyang tinig, at sa lansangan ay hindi niya iparirinig ang kaniyang tinig. Ang lamog na tambo ay hindi niya babaliin; at kung tungkol sa malamlam na linong mitsa, hindi niya iyon papatayin. Sa katapatan ay magtatanghal siya ng katarungan. Hindi siya manlalamlam ni masisiil man hanggang sa maitatag niya sa lupa ang katarungan; at ang kaniyang kautusan ay patuloy na hihintayin ng mga pulo.”​—Isaias 42:​1-4.

  • “Ang Aking Pinili, na Sinang-ayunan ng Aking Kaluluwa!”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 7. Bakit sinasabi sa hula na si Jesus ay ‘hindi sisigaw o maglalakas ng kaniyang tinig sa lansangan’?

      7 Gayunman, bakit kaya sinasabi sa hula na si Jesus ay ‘hindi sisigaw o maglalakas ng kaniyang tinig, at hindi niya iparirinig ang kaniyang tinig sa lansangan’? Sapagkat hindi niya ipinagmapuri ang kaniyang sarili, na gaya ng marami noong kaniyang kapanahunan. (Mateo 6:5) Nang pagalingin niya ang isang may ketong, sinabi niya sa pinagaling na lalaki: “Tiyakin mong huwag sabihin kaninuman ang anumang bagay.” (Marcos 1:​40-44) Sa halip na maghangad ng publisidad at hayaang umabot ang mga tao sa konklusyong batay sa mga ulat na galing sa iba, nais ni Jesus na sila mismo ang makaunawa salig sa matibay na ebidensiya na siya nga ang Kristo, ang pinahirang Lingkod ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share