Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sa Aba ng Taksil na Ubasan!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 7 Oo, si Jehova ang may-ari ng ubasan, at inilagay niya ang kaniyang sarili, wika nga, sa isang silid-hukuman, upang humiling na igawad ang hatol sa pagitan niya at ng kaniyang hindi kasiya-siyang ubasan. Ano kung gayon ang ubasan? Nagpaliwanag ang may-ari: “Ang ubasan ni Jehova ng mga hukbo ay ang sambahayan ng Israel, at ang mga tao ng Juda ay siyang taniman na kaniyang kinagiliwan.”​—Isaias 5:7a.

  • Sa Aba ng Taksil na Ubasan!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • Ipinakikilala ang Ubasan ng Diyos Ngayon

      10. Anong talinghaga tungkol sa isang ubasan ang ibinigay ni Jesus?

      10 Maaaring nasa isipan ni Jesus ang mga salita ni Isaias nang ibigay niya ang talinghaga ng mapamaslang na mga tagapagsaka: “May isang tao, isang may-bahay, na nagtanim ng ubasan at naglagay ng bakod sa palibot nito at humukay roon ng isang pisaan ng ubas doon at nagtayo ng isang tore, at ipinaubaya ito sa mga tagapagsaka, at naglakbay sa ibang lupain.” Nakalulungkot, pinagtaksilan ng mga tagapagsaka ang may-ari ng ubasan, pinatay pa nga ang kaniyang anak. Patuloy na ipinakita ni Jesus na ang talinghagang ito ay nagsasangkot ng higit pa kaysa literal na Israel nang sabihin niya: “Ang kaharian ng Diyos ay kukunin sa inyo [likas na Israel] at ibibigay sa isang bansang nagluluwal ng mga bunga nito.”​—Mateo 21:33-41, 43.

      11. Anong espirituwal na ubasan ang umiral noong unang siglo, subalit ano ang nangyari pagkamatay ng mga apostol?

      11 Ang bagong “bansang” iyon ay walang iba kundi “ang Israel ng Diyos”​—isang espirituwal na bansa ng pinahirang mga Kristiyano na binubuo ng 144,000. (Galacia 6:16; 1 Pedro 2:9, 10; Apocalipsis 7:3, 4) Inihalintulad ni Jesus ang kaniyang mga alagad sa “mga sanga” ng “tunay na punong ubas,” alalaong baga, ang sarili niya. Natural lamang, ang mga sangang ito’y inaasahang magbubunga. (Juan 15:1-5) Kailangang ipakita nila ang tulad-Kristong mga katangian at makibahagi sa gawaing pangangaral ng “mabuting balitang ito ng Kaharian.” (Mateo 24:14; Galacia 5:22, 23) Subalit buhat nang mamatay ang labindalawang apostol, ang higit na nakararami sa nag-aangking mga sanga ng “tunay na punong ubas” ay napatunayang mga huwad​—nagluluwal ng mga ubas na ligáw sa halip na mabubuting bunga.​—Mateo 13:24-30, 38, 39.

      12. Paano hinatulan ng mga salita ni Isaias ang Sangkakristiyanuhan, at anong leksiyon ang taglay nito para sa mga tunay na Kristiyano?

      12 Kaya, ang paghatol ni Isaias sa Juda ay kumakapit ngayon sa Sangkakristiyanuhan. Ang pagsusuri sa kaniyang kasaysayan​—sa kaniyang mga digmaan, sa kaniyang mga krusada, sa kaniyang mga Inkisisyon​—ay nagsisiwalat kung gaano kaasim ang naging bunga niya! Gayunman, ang tunay na ubasan ng pinahirang mga Kristiyano at ang kanilang kasamahang “malaking pulutong” ay nararapat makinig sa mga salita ni Isaias. (Apocalipsis 7:9) Upang mapaluguran nila ang may-ari ng ubasan, kailangang sila, bilang indibiduwal at bilang isang grupo, ay magluwal ng mga bunga na nakalulugod sa kaniya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share