Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Diyos?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 1. Ano ang pangalan ng Diyos, at bakit natin nasabi na gusto niyang malaman natin ang pangalan niya?

      Ipinakilala ng Diyos ang sarili niya sa atin. Sinabi niya sa Bibliya: “Ako si Jehova. Iyan ang pangalan ko.” (Basahin ang Isaias 42:​5, 8.) Ang pangalang “Jehova” ay isang translation, o salin, ng pangalang Hebreo na malamang na nangangahulugang “Pinangyayari Niyang Maging Gayon.” Gusto ni Jehova na malaman natin ang pangalan niya. (Exodo 3:15) Totoo kaya iyan? Oo, kasi ipinasulat niya sa Bibliya ang pangalan niya nang mahigit 7,000 beses!a Kaya Jehova ang pangalan ng “tunay na Diyos sa langit at sa lupa.”​—Deuteronomio 4:39.

  • Paano Tatanggapin ng Diyos ang Pagsamba Natin?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 2. Paano natin dapat sambahin si Jehova?

      Si Jehova lang ang dapat nating sambahin kasi siya ang lumalang sa atin. (Apocalipsis 4:11) Ibig sabihin, siya lang ang mamahalin at sasambahin natin. At hindi tayo gagamit ng mga idolo, imahen, o rebulto sa pagsamba sa kaniya.​—Basahin ang Isaias 42:8.

      Dapat na “banal” at “katanggap-tanggap” ang pagsamba natin kay Jehova. (Roma 12:1) Ibig sabihin, dapat nating sundin ang mga utos niya. Halimbawa, sinusunod ng mga nagmamahal kay Jehova ang mga pamantayan niya sa pag-aasawa. Wala silang mga bisyo, gaya ng paninigarilyo, pag-abuso sa droga, o sobrang pag-inom ng alak.a

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share