Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Usapin sa Hukumang Pansansinukob na Kinasasangkutan Mo
    Ang Bantayan—1988 | Pebrero 1
    • 21. Anong mga tanong ang ibinabangon ng hamon ni Jehova sa mga diyos ng mga bansa?

      21 Sa gayon, gaya kung nagpapahayag sa isang hukuman, sinasabi ni Jehova: “Ang lahat ng bansa ay mapisan sa isang dako, at matipon ang mga grupo ng bansa. . . . Dalhin nila ang kanilang mga saksi, upang sila’y ariing-matuwid, o dinggin nila at sila’y magsabi, ‘Iyan ang katotohanan!’” (Isaias 43:9) Ito ay isang tuwirang paghamon sa mga diyos ng mga bansa. Mayroon ba sa kanila na makapagsasabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap? Kanila bang nagawa ito noong nakaraang panahon? Sila ba’y may matatagpuang sinuman na magpapatotoo nang may matibay na ebidensiya na ang gayong mga diyos ay napatunayang totoo, na karapat-dapat sa ating katapatan? Anong rekord ang nagawa sa panahon natin ng mga diyos ng mga bansa, at ng kanilang mga tagasunod? Iyon ba ay mas mainam kaysa nagawa ng mga diyos ng sinaunang mga Ehipsiyo, Asiryo, at Babiloniko? Sa kabilang dako, yaon bang mga sumasaksi kay Jehova ay may matibay na ebidensiya na si Jehova ang tunay na Diyos, ang tanging Isa na karapat-dapat sa ating pagsamba? Ang sumusunod na artikulo ang tatalakay sa mga bagay na ito.

  • Ikaw ba ay Magiging Saksi Para sa Tunay na Diyos?
    Ang Bantayan—1988 | Pebrero 1
    • Isang Hamon sa mga Ibang Diyos

      3. Anong hamon ang ibinibigay ni Jehova sa lahat ng ibang mga diyos?

      3 Kinasihan ni Jehova si Isaias upang isulat ang hamong ito sa lahat ng mga ibang diyos: “Sino sa kanila [na mga diyos ng mga bansa at mga bayan] ang makapagpapahayag nito [ng wastong hula]? O maiparirinig kaya nila sa amin maging ang mga unang bagay [na mangyayari sa hinaharap]? Dalhin nila [bilang mga diyos] ang kanilang mga saksi, upang sila [bilang mga diyos] ay ariing matuwid, o dinggin nila [na mga bayan ng mga bansa] at sila’y magsabi, ‘Iyan ang katotohanan!’” (Isaias 43:9) Sa ganoo’y hinahamon ni Jehova ang lahat ng mga diyos na sinasamba ng mga tao upang patunayan nila na sila’y mga diyos. Ang kanilang mga saksi ay dapat magharap ng katibayan na ang kanilang mga diyos ay maaasahan at karapat-dapat na sambahin.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share