Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagkilala sa Tamang Uri ng Mensahero
    Ang Bantayan—1997 | Mayo 1
    • “Ako . . . ang Isa na nagpapangyaring magkatotoo ang salita ng kaniyang lingkod, at ang Isa na lubusang nagsasagawa ng payo ng kaniyang sariling mga mensahero.”​—ISAIAS 44:25, 26.

      1. Paano ipinakikilala ni Jehova ang tamang uri ng mga mensahero, at paano niya ibinubunyag yaong mga huwad?

      ANG Diyos na Jehova ang Dakilang Tagapagpakilala sa kaniyang tunay na mga mensahero. Ipinakikilala niya sila sa pamamagitan ng pagpapangyari na magkatotoo ang mga mensaheng inihahatid niya sa pamamagitan nila. Si Jehova ang siya ring Dakilang Tagapagbunyag sa huwad na mga mensahero. Paano niya ibinubunyag sila? Binibigo niya ang kanilang mga tanda at mga hula. Sa ganitong paraan ay ipinakikita niya na sila ay mga nagpapanggap na manghuhula, na ang mga mensahe ay talagang nagmumula sa kanilang sariling huwad na pangangatuwiran​—oo, sa kanilang mangmang, makalaman na kaisipan!

  • Pagkilala sa Tamang Uri ng Mensahero
    Ang Bantayan—1997 | Mayo 1
    • 6 Waring hindi pa ito sapat, ang mga ipinatapong Israelita ay nahantad din sa mayayabang na manghuhula, propeta, at mga astrologo ng Babilonya. Gayunman, pinatunayan ni Jehova na ang huwad na mga mensaherong ito ay mga nasiphayong mangmang, anupat ang mga hula’y kabaligtaran sa talagang mangyayari. Sumapit ang panahon na ipinakita niyang si Ezekiel ay kaniyang tunay na mensahero, gaya ni Isaias. Tinupad ni Jehova ang lahat ng salita na sinalita niya sa pamamagitan nila, gaya ng ipinangako niya: “Aking binibigo ang mga tanda ng mga nagsasalita nang walang saysay, at ako ang Isa na nagpapaging hangal sa mga manghuhula; ang Isa na nagpapaurong sa mga marurunong, at ang Isa na nagpapamangmang maging sa kanilang kaalaman; ang Isa na nagpapangyaring magkatotoo ang salita ng kaniyang lingkod, at ang Isa na lubusang nagsasagawa ng payo ng kaniyang sariling mga mensahero.”​—Isaias 44:25, 26.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share