Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Inihula ng Tunay na Diyos ang Kaligtasan
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 20 “Ito ang sinabi ni Jehova, na iyong Manunubos at Tagapag-anyo sa iyo mula sa tiyan: ‘Ako, si Jehova, ang gumagawa ng lahat ng bagay, na mag-isang nag-uunat ng langit, na naglalatag ng lupa. Sino ang kasama ko noon? Binibigo ko ang mga tanda ng mga nagsasalita nang walang katuturan, at ako ang Isa na nagpapakilos sa mga manghuhula na parang baliw; ang Isa na nagpapaurong sa mga taong marurunong, at ang Isa na nagpapangyaring maging kamangmangan ang kanilang kaalaman; ang Isa na nagpapangyaring magkatotoo ang salita ng kaniyang lingkod, at ang Isa na lubusang tumutupad sa panukala ng kaniyang mga mensahero; ang Isa na nagsasabi tungkol sa Jerusalem, “Siya ay tatahanan,” at tungkol sa mga lunsod ng Juda, “Sila ay muling itatayo, at ang kaniyang mga tiwangwang na dako ay ibabangon ko”; ang Isa na nagsasabi sa matubig na kalaliman, “Maging singaw ka; at ang lahat ng iyong mga ilog ay tutuyuin ko”; ang Isa na nagsasabi tungkol kay Ciro, “Siya ay aking pastol, at ang lahat ng kinalulugdan ko ay lubusan niyang tutuparin”; maging sa sinabi ko tungkol sa Jerusalem, “Siya ay muling itatayo,” at tungkol sa templo, “Ilalatag ang iyong pundasyon.” ’ ”​—Isaias 44:​24-28.

  • Inihula ng Tunay na Diyos ang Kaligtasan
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 22. Ipaliwanag kung paano naging singaw ang Ilog Eufrates.

      22 Ang mga di-kinasihang manghuhula ay kadalasan nang walang lakas ng loob na maging lubhang espesipiko sa kanilang mga prediksiyon sa takot na baka hindi magkatotoo ang mga ito pagdating ng panahon. Sa kabaligtaran, sa pamamagitan ni Isaias, isiniwalat ni Jehova ang mismong pangalan ng lalaking gagamitin niya upang palayain ang kaniyang bayan mula sa pagkabihag nang sa gayon ay makauwi sila at maitayong-muli ang Jerusalem at ang templo. Ang pangalan niya ay Ciro, at siya ay kilala bilang si Cirong Dakila ng Persia. Dinetalye rin ni Jehova ang estratehiyang gagamitin ni Ciro upang mapasok ang napakalaki at masalimuot na sistema ng depensa ng Babilonya. Ang Babilonya ay ipagsasanggalang ng nagtataasang pader at ng mga agusan ng tubig na bumabagtas sa loob at sa palibot ng lunsod. Gagamitin ni Ciro ang isang pangunahing bahagi ng sistemang iyan​—ang Ilog Eufrates​—sa kaniyang kapakinabangan. Ayon sa mga sinaunang istoryador na sina Herodotus at Xenophon, sa isang dako sa itaas ng ilog mula sa Babilonya, inilihis ni Ciro ang tubig ng Eufrates hanggang sa ang ilog ay bumabaw anupat maaari nang lumusong ang kaniyang mga sundalo. Kung tungkol sa kakayahan nitong ipagsanggalang ang Babilonya, ang makapangyarihang Eufrates ay naging singaw.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share