Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sa Aba ng Taksil na Ubasan!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 29. Anong kapaha-pahamak na wakas ang naghihintay sa Israelitang ubasan ni Jehova?

      29 Tinapos ni Isaias ang makahulang mensaheng ito sa pamamagitan ng paglalarawan sa kapaha-pahamak na wakas niyaong ‘mga nagtakwil sa kautusan ni Jehova’ at nabigong magluwal ng matuwid na bunga. (Isaias 5:24, 25; Oseas 9:16; Malakias 4:1) Siya’y nagpahayag: “Nagtaas [si Jehova] ng hudyat sa isang dakilang bansa sa malayo, at sinipulan niya iyon sa dulo ng lupa; at, narito! dali-daling darating iyon nang matulin.”—Isaias 5:26; Deuteronomio 28:49; Jeremias 5:15.

      30. Sino ang magtitipon ng “isang dakilang bansa” laban sa bayan ni Jehova, at ano ang kalalabasan niyaon?

      30 Noong sinaunang panahon ang isang tulos sa isang mataas na lugar ay nagsisilbing “hudyat,” o pinakasentro ng pagtitipon, ng bayan o mga hukbo. (Ihambing ang Isaias 18:3; Jeremias 51:27.) Ngayo’y titipunin mismo ni Jehova ang hindi pinanganlang “dakilang bansa” upang ilapat ang kaniyang hatol.b ‘Sisipulan niya iyon,’ alalaong baga, tatawagin ang pansin nito sa kaniyang suwail na bayan bilang isa na karapat-dapat na lupigin. Sumunod na inilarawan ng propeta ang mabilis at nakatatakot na mabangis na pagsalakay ng tulad-leong mga mananakop na ito na ‘susunggab sa nasila,’ alalaong baga, ang bayan ng Diyos, “at tatangayin iyon” sa pagkabihag. (Basahin ang Isaias 5:27-30a.) At anong lungkot na resulta para sa lupain ng bayan ni Jehova! “Ang isa ay tititig nga sa lupain, at, narito! may nakapipighating kadiliman; at maging ang liwanag ay nagdilim dahil sa mga patak na bumabagsak doon.”​—Isaias 5:30b.

  • Sa Aba ng Taksil na Ubasan!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • b Sa ibang mga hula, ipinakikilala ni Isaias ang Babilonya bilang ang bansa na naglapat ng mapangwasak na kahatulan ni Jehova sa Juda.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share