Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Si Jehova​—“Isang Matuwid na Diyos at Isang Tagapagligtas”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 24, 25. (a) Anong paanyaya ang ipinaaabot ni Jehova, at bakit tiyak na matutupad ang kaniyang pangako? (b) Ano ang matuwid lamang na hilingin ni Jehova?

      24 Pinakilos si Jehova ng kaniyang awa upang ipaabot ang isang paanyaya: “Bumaling kayo sa akin at maligtas, lahat kayong nasa mga dulo ng lupa; sapagkat ako ang Diyos, at wala nang iba pa. Sa pamamagitan ng aking sarili ay sumumpa ako​—mula sa sarili kong bibig ay lumabas ang salita sa katuwiran, anupat hindi iyon babalik​—na sa akin ay luluhod ang bawat tuhod, ang bawat dila ay susumpa, na nagsasabi, ‘Tiyak na kay Jehova ang buong katuwiran at lakas. Lahat niyaong mga nag-iinit laban sa kaniya ay tuwirang paroroon sa kaniya at mapapahiya. Kay Jehova ang buong binhi ng Israel ay mapatutunayang tama at maghahambog tungkol sa kanilang sarili.’ ”​—Isaias 45:​22-25.

  • Si Jehova​—“Isang Matuwid na Diyos at Isang Tagapagligtas”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 26. Paano tumutugon ang “isang malaking pulutong” mula sa lahat ng mga bansa sa paanyaya ni Jehova na bumaling sa kaniya?

      26 Gayunman, ang paanyaya ng Diyos na bumaling sa kaniya ay hindi lamang para sa mga tapon sa sinaunang Babilonya. (Gawa 14:​14, 15; 15:​19; 1 Timoteo 2:​3, 4) Ang paanyayang ito ay patuloy pa ring ipinaaabot, at “isang malaking pulutong . . . mula sa lahat ng mga bansa” ang tumutugon at naghahayag: “Ang kaligtasan ay utang namin sa ating Diyos . . . at sa Kordero [si Jesus].” (Apocalipsis 7:​9, 10; 15:4) Taun-taon, daan-daang libong baguhan ang napaparagdag sa malaking pulutong sa pamamagitan ng pagbaling sa Diyos, na lubusang kumikilala sa kaniyang soberanya at naghahayag sa madla ng kanilang katapatan sa kaniya. Karagdagan pa, tapat nilang sinusuportahan ang espirituwal na Israel, ang “binhi ni Abraham.” (Galacia 3:29) Ipinakikita nila ang kanilang pag-ibig sa matuwid na pamamahala ni Jehova sa pamamagitan ng paghahayag sa buong daigdig: “Tiyak na kay Jehova ang buong katuwiran at lakas.”a Sa kaniyang liham sa mga taga-Roma, sinipi ni apostol Pablo ang salin ng Septuagint sa Isaias 45:​23 upang ipakita na sa dakong huli, bawat nabubuhay ay kikilala sa soberanya ng Diyos at patuloy na pupuri sa kaniyang pangalan.​—Roma 14:​11; Filipos 2:​9-11; Apocalipsis 21:​22-27.

  • Si Jehova​—“Isang Matuwid na Diyos at Isang Tagapagligtas”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • a Ginamit ng Bagong Sanlibutang Salin ang pananalitang “buong katuwiran” sapagkat ang salitang “mga katuwiran” sa Hebreong teksto ay nasa pangmaramihang anyo. Ang pangmaramihan ay ginamit dito upang ipahayag ang sukdulang antas ng katuwiran ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share