Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Huwad na Relihiyon​—Patiunang Nakita ang Madulang Wakas Nito
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 6. (a) Sa anong diwa ilalantad ang kahubaran ng Babilonya? (b) Paano “hindi sasalubungin [ng Diyos] ang sinumang tao nang may kabaitan”? (Tingnan ang talababa.)

      6 Patuloy pa si Jehova sa panunuya: “Dapat mong ilantad ang iyong kahubaran. Gayundin, ang iyong kadustaan ay dapat na makita. Paghihiganti ang gagawin ko, at hindi ko sasalubungin ang sinumang tao nang may kabaitan.” (Isaias 47:3)c Oo, ang Babilonya ay daranas ng kahihiyan at kasiraang-puri. Ang kabalakyutan at pagmamalupit na ginawa niya laban sa bayan ng Diyos ay hayagang ilalantad. Walang taong makapipigil sa paghihiganti ng Diyos!

  • Huwad na Relihiyon​—Patiunang Nakita ang Madulang Wakas Nito
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • c Ang pananalita sa Hebreo na isinaling “Hindi ko sasalubungin ang sinumang tao nang may kabaitan” ay inilarawan ng mga iskolar bilang “isang pariralang pagkahirap-hirap” isalin. Isiningit ng Bagong Sanlibutang Salin ang salitang “nang may kabaitan” upang itawid ang ideya na walang tagalabas ang pahihintulutang magligtas sa Babilonya. Isinalin ng Jewish Publication Society ang sugnay na ito na: “Hindi ko . . . hahayaan ang sinumang tao na makialam.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share