Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Huwad na Relihiyon​—Patiunang Nakita ang Madulang Wakas Nito
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 14. Sa anong mga paraan daranas ang Babilonya kapuwa ng “pagkawala ng mga anak at pagkabalo”?

      14 Ano ang mangyayari sa Babilonya? Nagpatuloy si Jehova: “Ngunit biglang darating sa iyo ang dalawang bagay na ito, sa isang araw: ang pagkawala ng mga anak at ang pagkabalo. Sa kanilang hustong sukat ay darating sa iyo ang mga ito, dahil sa dami ng iyong mga panggagaway, dahil sa buong lakas ng iyong mga engkanto​—na labis-labis.” (Isaias 47:9) Oo, ang pangingibabaw ng Babilonya bilang kapangyarihang pandaigdig ay biglang magwawakas. Sa sinaunang mga lupain sa Silangan, ang pagkabalo at pagkawala ng mga anak ang pinakamasaklap na karanasang maaaring danasin ng isang babae. Hindi natin alam kung gaano karaming “mga anak” ang naiwala ng Babilonya noong gabing bumagsak ito.d Gayunman, sa takdang panahon, ang lunsod na iyon ay lubusang pababayaan. (Jeremias 51:29) Daranas din siya ng pagkabalo yamang aalisin sa trono ang kaniyang mga hari.

      15. Bukod sa kalupitan ng Babilonya sa mga Judio, ano pa ang dahilan ng pagkagalit ni Jehova sa kaniya?

      15 Gayunman, hindi lamang ang masamang pakikitungo ng Babilonya sa mga Judio ang tanging dahilan ng pagkapoot ni Jehova. Ikinagalit din niya ang ‘dami ng kaniyang mga panggagaway.’ Hinahatulan ng Kautusan ng Diyos sa Israel ang pagsasagawa ng espiritismo; subalit masugid na itinataguyod ng Babilonya ang okultismo. (Deuteronomio 18:​10-12; Ezekiel 21:21) Sinasabi sa aklat na Social Life Among the Assyrians and Babylonians na ang buhay ng mga taga-Babilonya “ay nakasadlak sa walang-hanggang pagkatakot sa pagkarami-raming demonyo na pinaniniwalaan nilang nakapalibot sa kanila.”

  • Huwad na Relihiyon​—Patiunang Nakita ang Madulang Wakas Nito
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • d Sinasabi sa aklat na Nabonidus and Belshazzar, ni Raymond Philip Dougherty, na bagaman inaangkin ng Nabonidus Chronicle na pumasok “nang di-nakikipaglaban” ang mga lumusob sa Babilonya, ipinahiwatig naman ng Griegong istoryador na si Xenophon na maaaring nagkaroon ng malawakang pagdanak ng dugo.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share