Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Banal, Banal, Banal si Jehova”
    Ang Bantayan—2011 | Disyembre 1
    • KUNG papipiliin ka ng isang salita para ilarawan ang Diyos na Jehova, ano ang pipiliin mo? Noong ikawalong siglo B.C.E., si propeta Isaias ay nagkaroon ng pangitain kung saan narinig niyang pinupuri ng mga espiritung nilalang si Jehova, gamit ang salitang naglalarawan ng Kaniyang napakahalagang katangian​—ang kabanalan. Ang nakita at narinig ni Isaias ay dapat mag-udyok sa atin na maging mapagpitagan at mas malapít kay Jehova. Habang isinasaalang-alang natin ang mga salita sa Isaias 6:1-3, isipin mong naroroon ka.

  • “Banal, Banal, Banal si Jehova”
    Ang Bantayan—2011 | Disyembre 1
    • Pagkatapos, may nakita si Isaias sa pangitain na marahil ay walang ibang tao ang nagkapribilehiyong makakita. Isinulat niya: “May mga serapin na nakatayo sa itaas niya [si Jehova]. Bawat isa ay may anim na pakpak. Ang dalawa ay itinatakip niya sa kaniyang mukha, at ang dalawa ay itinatakip niya sa kaniyang mga paa, at ang dalawa ay ginagamit niya sa paglipad.” (Talata 2) Ang mga serapin ay espiritung nilalang na napakataas ng ranggo. Si Isaias lang ang manunulat ng Bibliya na bumanggit sa kanila. Ang mga serapin ay laging handang gumawa ng kalooban ni Jehova. Tinatakpan nila ang kanilang mukha at mga paa bilang pagpipitagan at paggalang sa presensiya ng Isa na kanilang pinaglilingkuran.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share