Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Isang Panahon ng Kabutihang-Loob”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 6. Sa anong paraan ang bibig ng Mesiyas ay gaya ng isang tabak na matalas, at paanong siya’y nakatago, o nakakubli?

      6 Nagpatuloy ang mga makahulang salita ng Mesiyas: “At ang aking bibig ay ginawa niyang gaya ng isang tabak na matalas. Sa lilim ng kaniyang kamay ay itinago niya ako. At sa kalaunan ay ginawa niya akong isang pinakinis na palaso. Ikinubli niya ako sa kaniyang sariling talanga.” (Isaias 49:2) Nang dumating na ang panahon para sa Mesiyas ni Jehova na pasimulan ang kaniyang ministeryo sa lupa noong 29 C.E., ang mga salita at kilos ni Jesus ay talaga ngang naging gaya ng matalas at pinakinis na mga sandata, na nakatatagos sa puso ng kaniyang mga tagapakinig. (Lucas 4:​31, 32) Ang kaniyang mga salita at kilos ay pumukaw sa galit ng mahigpit na kaaway ni Jehova, si Satanas, at ang kaniyang mga kampon. Mula pa nang isilang si Jesus, sinikap na ni Satanas na kunin ang Kaniyang buhay, subalit si Jesus ay gaya ng isang palaso na nakakubli sa sariling talanga ni Jehova.a Buong-pagtitiwalang makaaasa siya sa proteksiyon ng kaniyang Ama. (Awit 91:​1; Lucas 1:35) Nang dumating ang takdang panahon, ibinigay ni Jesus ang kaniyang buhay alang-alang sa sangkatauhan. Subalit darating ang panahon na siya’y hahayo bilang isang makapangyarihang mandirigma sa langit na nasasandatahan sa naiibang diwa, ng isang tabak na matalas na lumalabas sa kaniyang bibig. Sa pagkakataong ito, ang tabak na matalas ay kumakatawan sa awtoridad ni Jesus na maghayag at magsakatuparan ng mga kahatulan laban sa mga kaaway ni Jehova.​—Apocalipsis 1:16.

  • “Isang Panahon ng Kabutihang-Loob”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • a “Si Satanas, na walang-alinlangang nakakilala kay Jesus bilang ang Anak ng Diyos at ang isa na inihulang susugat sa kaniyang ulo (Gen 3:15), ay gumawa ng lahat ng makakaya niya upang patayin si Jesus. Subalit, nang ipatalastas kay Maria ang paglilihi niya kay Jesus, sinabi sa kaniya ng anghel na si Gabriel: ‘Ang banal na espiritu ay darating sa iyo, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay lililim sa iyo. Sa dahilan ding iyan kung kaya ang ipanganganak ay tatawaging banal, Anak ng Diyos.’ (Luc 1:35) Iningatan ni Jehova ang kaniyang Anak. Ang mga pagsisikap na patayin si Jesus noong sanggol pa ito ay hindi nagtagumpay.”​—Insight on the Scriptures, Tomo 2, pahina 868, na inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share