Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Huwag Ninyong Ilagak ang Inyong Tiwala sa mga Taong Mahal”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 2 Walang dapat sisihin ang Juda kundi ang kaniyang sarili. Hindi niya maaaring sabihin na sumapit ang kaniyang pagkapuksa dahil sa nagtaksil si Jehova sa kaniya o kinalimutan ang kaniyang tipan sa bansa. Ang Maylalang ay hindi sumisira sa tipan. (Jeremias 31:​32; Daniel 9:​27; Apocalipsis 15:4) Bilang pagdiriin sa katotohanang ito, tinanong ni Jehova ang mga Judio: “Nasaan nga ang kasulatan ng diborsiyo ng inyong ina, na pinaalis ko?” (Isaias 50:​1a) Sa ilalim ng Kautusang Mosaiko, ang isang lalaki na dumiborsiyo sa kaniyang asawa ay dapat magbigay sa kaniya ng isang kasulatan ng diborsiyo. Malaya na siya kung gayon na mapasa ibang lalaki. (Deuteronomio 24:​1, 2) Sa makasagisag na diwa, nagbigay si Jehova ng gayong kasulatan sa kapatid na kaharian ng Juda, ang Israel, subalit hindi niya ito ginawa sa Juda.a Siya pa rin ang “asawang nagmamay-ari” sa kaniya. (Jeremias 3:​8, 14) Ang Juda ay tiyak na walang kalayaang makisama sa mga paganong bansa. Ang kaugnayan ni Jehova sa kaniya ay magpapatuloy “hanggang sa dumating ang Shilo [ang Mesiyas].”​—Genesis 49:10.

      3. Sa anong dahilan “ipinagbili” ni Jehova ang kaniyang bayan?

      3 Tinanong din ni Jehova ang Juda: “Kanino ko kayo ipinagbili sa mga pinagkakautangan ko?” (Isaias 50:​1b) Ang mga Judio ay hindi dadalhing bihag sa Babilonya upang takpan ang diumano’y pagkakautang ni Jehova. Si Jehova ay hindi gaya ng isang mahirap na Israelita na kailangan pang ipagbili ang kaniyang mga anak sa isang pinagkakautangan upang makabayad sa utang. (Exodo 21:7) Sa halip, tinukoy ni Jehova ang tunay na dahilan kung bakit aalipinin ang kaniyang bayan: “Narito! Dahil sa inyong sariling mga kamalian ay ipinagbili kayo, at dahil sa inyong sariling mga pagsalansang ay pinaalis ang inyong ina.” (Isaias 50:​1c) Ang mga Judio mismo ang lumayo kay Jehova; hindi siya ang lumayo sa kanila.

  • “Huwag Ninyong Ilagak ang Inyong Tiwala sa mga Taong Mahal”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • a Sa unang tatlong talata ng Isaias kabanata 50 tal 1-3, inilalarawan ni Jehova ang bansang Juda sa kabuuan bilang kaniyang asawa at ang indibiduwal na naninirahan dito bilang kaniyang mga anak.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share