Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Huwag Ninyong Ilagak ang Inyong Tiwala sa mga Taong Mahal”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 5 Ang Ehipto ba ay higit na maaasahang tagapagligtas kaysa kay Jehova? Malamang na nalimutan na ng di-tapat na mga Judiong iyon ang mga pangyayari na umakay sa pagsilang ng kanilang bansa ilang siglo na ang nakalilipas. Tinanong sila ni Jehova: “Naging napakaikli na nga ba ng aking kamay anupat hindi ito makatutubos, o sa akin ba ay walang kapangyarihang magligtas? Narito! Sa aking pagsaway ay tinutuyo ko ang dagat; ginagawa kong ilang ang mga ilog. Ang kanilang mga isda ay bumabaho sapagkat walang tubig, at namamatay sila dahil sa uhaw. Dinaramtan ko ng dilim ang langit, at telang-sako ang ginagawa kong pantakip sa kanila.”​—Isaias 50:​2b, 3.

  • “Huwag Ninyong Ilagak ang Inyong Tiwala sa mga Taong Mahal”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 7 Pinahinto ni Jehova ang pag-abante ng mga Ehipsiyo sa pamamagitan ng paglalagay ng isang haliging ulap sa pagitan nila at ng mga Israelita. Sa kabilang panig ng makapal na ulap na kinaroroonan ng mga Ehipsiyo ay mayroong kadiliman; sa panig naman ng mga Israelita, mayroong liwanag. (Exodo 14:20) Pagkatapos, habang hindi makaalis sa kanilang kinaroroonan ang mga hukbo ng Ehipsiyo, “pinasimulan ni Jehova na paurungin ang dagat sa pamamagitan ng isang malakas na hanging silangan sa buong magdamag at ang lunas ng dagat ay ginawa niyang tuyong lupa.” (Exodo 14:21) Nang mahati ang tubig, lahat ng tao​—mga lalaki, babae, at mga bata​—ay nakatawid nang ligtas sa Dagat na Pula. Nang malapit na sa kabilang pampang ang kaniyang bayan, inalis ni Jehova ang ulap. Sa walang-lubay na pagtugis, ang mga Ehipsiyo ay walang-patumanggang sumugod patungo sa pinakasahig ng dagat. Nang ang kaniyang bayan ay ligtas na sa pampang, pinakawalan ni Jehova ang tubig, anupat nalunod si Paraon at ang kaniyang mga hukbo. Sa ganiyang paraan ipinakipaglaban ni Jehova ang kaniyang bayan. Kay laking pampatibay-loob ito para sa mga Kristiyano sa ngayon!​—Exodo 14:​23-28.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share