Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Banal, Banal, Banal si Jehova”
    Maging Malapít kay Jehova
    • 17, 18. (a) Paanong sa pasimula’y naapektuhan si Isaias ng kaniyang pangitain? (b) Paano ginamit ni Jehova ang isang serapin upang aliwin si Isaias, at ano ang kahulugan ng ginawa ng serapin?

      17 Gayunman, dapat ba nating madama na tayo’y napakababa kung ihahambing sa kabanalan ng Diyos? Mangyari pa, ang sagot ay oo. Kung tutuusin, tayo ay talaga namang mas mababa kay Jehova—at ang ganitong pananalita ay kulang na kulang pa nga. Dahil ba sa pagkaalam nito ay dapat na tayong mapalayo sa kaniya? Isaalang-alang ang reaksiyon ni Isaias nang marinig ang paghahayag ng mga serapin sa kabanalan ni Jehova. “Pagkatapos ay sinabi ko: ‘Kaawa-awa ako! Tiyak na mamamatay ako, dahil ako ay isang taong marumi ang labi, at nakatira ako kasama ng bayang marurumi ang labi; dahil nakita ng mga mata ko ang Hari mismo, si Jehova ng mga hukbo!’” (Isaias 6:5) Oo, ang walang-limitasyong kabanalan ni Jehova ay nagpaalaala kay Isaias kung gaano kalaki ang kaniyang kasalanan at pagiging di-perpekto. Sa pasimula, lubhang nasiraan ng loob ang tapat na taong iyon. Subalit hindi siya pinabayaan ni Jehova sa gayong kalagayan.

      18 Agad na inaliw ng isang serapin ang propeta. Paano? Lumipad patungong altar ang makapangyarihang espiritu, kumuha ng isang uling mula roon, at idinampi ang uling sa mga labi ni Isaias. Waring lalong makasasakit iyan kaysa makaaliw. Subalit alalahanin na ito’y isang pangitain na sagana sa makasagisag na kahulugan. Alam na alam ni Isaias, isang tapat na Judio, na ang mga hain ay inihahandog araw-araw sa altar ng templo upang magbayad-sala sa mga kasalanan. At maibiging pinaalalahanan ng serapin ang propeta na bagaman siya’y hindi nga perpekto, “marumi ang labi,” maaari pa rin siyang magkaroon ng isang malinis na katayuan sa harap ng Diyos.a Handa si Jehova na ituring ang isang di-perpekto at makasalanang tao bilang banal—sa isang relatibong diwa.​—Isaias 6:6, 7.

  • “Banal, Banal, Banal si Jehova”
    Maging Malapít kay Jehova
    • a Angkop lamang ang pananalitang “marumi ang labi,” yamang ang mga labi ay madalas na ginagamit ng Bibliya sa makasagisag na paraan upang kumatawan sa pagsasalita o wika. Sa lahat ng di-perpektong tao, ang isang mataas na porsiyento ng mga kasalanan ay dahil sa paraan ng ating paggamit ng kakayahang magsalita.​—Kawikaan 10:19; Santiago 3:2, 6.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share