Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Huwag Ninyong Ilagak ang Inyong Tiwala sa mga Taong Mahal”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 13. Ano ang naghihintay kay Jesus, subalit paano niya ipinakitang malakas ang kaniyang loob?

      13 Ang ilan sa mga nagtakwil sa bugtong na Anak ni Jehova ay umusig sa kaniya, at ito man ay inihula rin: “Ang aking likod ay iniharap ko sa mga nananakit, at ang aking mga pisngi doon sa mga bumubunot ng balbas. Ang aking mukha ay hindi ko ikinubli sa kahiya-hiyang mga bagay at sa dura.” (Isaias 50:6) Ayon sa hula, ang Mesiyas ay daranas ng kirot at kahihiyan sa mga kamay ng mga salansang. Batid ito ni Jesus. At alam niya kung hanggang saan aabot ang pag-uusig na ito. Subalit, habang ang kaniyang panahon sa lupa ay patapos na, hindi siya nagpakita ng takot. Taglay ang determinasyon na sintigas ng batong pingkian siya’y nagtungo sa Jerusalem, kung saan magwawakas ang kaniyang buhay-tao. Habang nasa daan patungo roon, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Narito tayo, yumayaong paahon sa Jerusalem, at ang Anak ng tao ay ibibigay sa mga punong saserdote at sa mga eskriba, at hahatulan nila siya ng kamatayan at ibibigay siya sa mga tao ng mga bansa, at gagawin nila siyang katatawanan at duduraan siya at hahagupitin siya at papatayin siya, ngunit pagkaraan ng tatlong araw ay babangon siya.” (Marcos 10:​33, 34) Lahat ng balakyot na pagmamaltratong ito ay dulot ng sulsol ng mga tao na dapat sana’y mas nakaaalam​—ang mga punong saserdote at mga eskriba.

      14, 15. Paano natupad ang mga salita ni Isaias na si Jesus ay hahampasin at hihiyain?

      14 Noong gabi ng Nisan 14, 33 C.E., si Jesus ay nasa halamanan ng Getsemani kasama ang ilan sa kaniyang mga tagasunod. Siya’y nananalangin. Kapagdaka, lumitaw ang isang pulutong at siya’y dinakip. Subalit hindi siya natakot. Batid niyang si Jehova ay sumasakaniya. Tiniyak ni Jesus sa kaniyang nahihintakutang mga apostol na kung nanaisin niya, makahihiling siya sa kaniyang Ama na magpadala ng mahigit na labindalawang hukbo ng mga anghel upang iligtas siya, subalit idinagdag niya: “Kung magkagayon, paano matutupad ang Kasulatan?”​—Mateo 26:​36, 47, 53, 54.

      15 Lahat ng inihula hinggil sa mga pagsubok at kamatayan ng Mesiyas ay natupad. Matapos ang madayang paglilitis sa harap ng Sanedrin, si Jesus ay siniyasat ni Poncio Pilato, na siyang nagpahagupit sa kaniya. ‘Hinampas siya [ng mga Romanong sundalo] sa ulo ng isang tambo at dinuraan siya.’ Sa gayon ay natupad ang mga salita ni Isaias. (Marcos 14:​65; 15:​19; Mateo 26:​67, 68) Bagaman hindi sinasabi ng Bibliya na literal na binunot ang ilang buhok sa balbas ni Jesus​—na isang kapahayagan ng matinding pag-alipusta​—walang-alinlangang nangyari nga ito, gaya ng inihula ni Isaias.c​—Nehemias 13:25.

  • “Huwag Ninyong Ilagak ang Inyong Tiwala sa mga Taong Mahal”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • c Kapansin-pansin, sa Septuagint, ang Isaias 50:​6 ay kababasahan: “Iniharap ko ang aking likod sa mga panghagupit, at ang aking mga pisngi sa mga sampal.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share