Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kaaliwan Para sa Bayan ng Diyos
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 12. Bakit hindi dapat matakot ang mga lingkod ng Diyos kapag inaalipusta sila ng mga kalabang tao?

      12 Sa pagsasalita sa “mga nagtataguyod ng katuwiran,” sinasabi ngayon ni Jehova: “Makinig kayo sa akin, kayong mga nakaaalam ng katuwiran, ang bayan na ang puso ay kinaroroonan ng aking kautusan. Huwag ninyong katakutan ang pandurusta ng mga taong mortal, at huwag kayong mangilabot dahil lamang sa kanilang mapang-abusong mga salita. Sapagkat uubusin sila ng tangà na parang isang kasuutan, at uubusin sila na parang lana ng tangà sa damit. Ngunit kung tungkol sa aking katuwiran, iyon ay magiging hanggang sa panahong walang takda, at ang aking pagliligtas ay hanggang sa di-mabilang na mga salinlahi.” (Isaias 51:​7, 8) Yaong mga nagtitiwala kay Jehova ay aalipustain at lilibakin dahil sa kanilang matatag na paninindigan, subalit ito’y hindi isang bagay na dapat katakutan. Ang mga manlilibak ay mga mortal lamang na “uubusin,” kung paanong kinakain ng tangà ang isang kasuutang yari sa lana.a Gaya ng tapat na mga Judio noon, walang dahilan ang tunay na mga Kristiyano sa ngayon para matakot sa sinumang sumasalansang sa kanila. Si Jehova, ang walang-hanggang Diyos, ay kanilang kaligtasan. (Awit 37:​1, 2) Ang panlilibak ng mga kaaway ng Diyos ay nagsisilbing katibayan na taglay ng bayan ni Jehova ang kaniyang espiritu.​—Mateo 5:​11, 12; 10:​24-31.

  • Kaaliwan Para sa Bayan ng Diyos
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • a Ang tangà na tinutukoy rito ay lumilitaw na yaong uri ng tangà na sumisira ng tela, lalo na kapag ito’y mapanirang uod pa lamang.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share