Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Sabay-Sabay Kayong Humiyaw Nang May Kagalakan”!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 7. Ano ang naging epekto sa pangalan ni Jehova ng pagkabihag ng kaniyang bayan?

      7 Ang pagiging bihag ng bayan ni Jehova ay nakaapekto sa kaniyang pangalan, gaya ng ipinakikita ng hula: “ ‘Ngayon, ano ang interes ko rito?’ ang sabi ni Jehova. ‘Sapagkat ang aking bayan ay kinuha nang walang kapalit. Mismong ang mga namamahala sa kanila ay patuloy na nagpapalahaw,’ ang sabi ni Jehova, ‘at lagi na, sa buong araw, ang aking pangalan ay pinakikitunguhan nang walang galang. Sa dahilang iyon ay makikilala ng aking bayan ang aking pangalan, sa dahilang iyon nga sa araw na iyon, sapagkat ako ang Isa na nagsasalita. Narito! Ako nga.’ ” (Isaias 52:​5, 6) Ano nga ba ang interes ni Jehova sa situwasyong ito? Ano ang dapat niyang ikabahala kung inaalipin man ang Israel sa Babilonya? Dapat ngang kumilos si Jehova sapagkat binihag ng Babilonya ang kaniyang bayan at nagpapalahaw laban sa kanila dahil sa tagumpay. Ang gayong paghahambog ay humantong sa walang-galang na pakikitungo ng Babilonya sa pangalan ni Jehova. (Ezekiel 36:​20, 21) Hindi nito napag-unawa na ang tiwangwang na kalagayan ng Jerusalem ay dahil sa di-pagsang-ayon ni Jehova sa kaniyang bayan. Sa halip, minalas ng Babilonya na ang pagiging alipin ng mga Judio ay patotoo na mahina ang kanilang Diyos. Hinamak pa nga si Jehova ni Belsasar na siyang kasabay na pinuno ng Babilonya sa pamamagitan ng paggamit ng mga sisidlan mula sa Kaniyang templo sa isang piging na parangal sa mga diyos ng Babilonya.​—Daniel 5:​1-4.

  • “Sabay-Sabay Kayong Humiyaw Nang May Kagalakan”!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 9, 10. Anong mas malalim na pagkaunawa sa mga pamantayan ni Jehova at sa kaniyang pangalan ang natamo ng tipang bayan ng Diyos sa makabagong panahon?

      9 Nang palayain ng Lalong Dakilang Ciro, si Jesus-Kristo, ang tipang bayan ng Diyos mula sa pagkabihag sa Babilonyang Dakila noong 1919, higit nilang naunawaan ang mga kahilingan ni Jehova. Nagpakalinis na sila mula sa maraming turo ng Sangkakristiyanuhan na nag-uugat sa paganismo bago pa ang panahong Kristiyano, gaya ng Trinidad, imortalidad ng kaluluwa, at walang-hanggang pagpapahirap sa maapoy na impiyerno. Ngayon ay sinimulan nilang alisin sa kanilang sarili ang lahat ng bakas ng impluwensiya ng Babilonya. Natanto rin nila ang kahalagahan ng pananatiling ganap na neutral hinggil sa nangyayaring pagkakampi-kampi sa daigdig. Ninais pa man din nilang dalisayin ang kanilang mga sarili mula sa anumang pagkakasala sa dugo na maaaring nagawa ng ilan.

      10 Lumalim din ang pagkaunawa ng makabagong-panahong mga lingkod ng Diyos sa kahalagahan ng pangalan ni Jehova. Tinanggap nila noong 1931 ang pangalang mga Saksi ni Jehova, sa gayon ay inihahayag nila sa madla na tinatangkilik nila si Jehova at ang kaniyang pangalan. Bukod diyan, sa paglalathala ng Bagong Sanlibutang Salin sapol noong 1950, naibalik ng mga Saksi ni Jehova ang banal na pangalan sa tamang dako nito sa Bibliya. Oo, pinahahalagahan nila ang pangalan ni Jehova at ipinakikilala ito hanggang sa mga dulo ng lupa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share