Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nagsaya ang Babaing Baog
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • Ipinakilala ang ‘Babae’

      3. Bakit may dahilan para magsaya ang “babaing” baog?

      3 Ang kabanata 54 ay may masayang pambungad: “ ‘Humiyaw ka nang may kagalakan, ikaw na babaing baog na hindi nanganak! Magsaya kang may hiyaw ng kagalakan at sumigaw ka nang malakas, ikaw na hindi nagkaroon ng mga kirot ng panganganak, sapagkat ang mga anak niyaong pinabayaan ay mas marami kaysa sa mga anak ng babaing may asawang nagmamay-ari,’ ang sabi ni Jehova.” (Isaias 54:1) Tiyak na tuwang-tuwa si Isaias nang bigkasin niya ang mga salitang ito! At kay laking kaaliwan ang idudulot ng katuparan ng mga ito sa mga Judio na naging tapon sa Babilonya! Nang panahong iyon, ang Jerusalem ay nakatiwangwang pa rin. Kung sa pangmalas ng tao, parang wala nang pag-asa na ito’y titirhan pang muli, kung paanong ang isang babaing baog ay karaniwang hindi na umaasang magkaanak pa sa kaniyang katandaan. Subalit lubos na pagpapalain ang kinabukasan ng “babaing” ito​—siya’y magkakaanak. Ang Jerusalem ay mapupuspos ng kagalakan. Siya’y muling mapupuno ng “mga anak,” o mga naninirahan.

      4. (a) Paano tayo tinutulungan ni apostol Pablo na maunawaan na ang Isaias kabanata 54 ay may mas malaking katuparan kaysa noong 537 B.C.E.? (b) Ano ang “Jerusalem sa itaas”?

      4 Maaaring hindi ito alam ni Isaias, subalit ang kaniyang hula ay magkakaroon ng higit sa isang katuparan. Sumipi si apostol Pablo mula sa Isaias kabanata 54 at ipinaliwanag na ang ‘babae’ ay lumalarawan sa isang bagay na makapupong mas mahalaga kaysa sa makalupang lunsod ng Jerusalem. Sumulat siya: “Ang Jerusalem sa itaas ay malaya, at siya ang ating ina.” (Galacia 4:26) Ano ba itong “Jerusalem sa itaas”? Maliwanag na hindi ito ang lunsod ng Jerusalem sa Lupang Pangako. Ang lunsod na iyon ay makalupa, hindi “sa itaas” sa makalangit na dako. Ang “Jerusalem sa itaas” ay ang makalangit na ‘babae’ ng Diyos, ang kaniyang organisasyon ng makapangyarihang mga espiritung nilalang.

      5. Sa makasagisag na dramang nakabalangkas sa Galacia 4:​22-31, sino ang inilalarawan ni (a) Abraham? (b) Sara? (c) Isaac? (d) Hagar? (e) Ismael?

      5 Kung gayon, paano nagkaroon si Jehova ng dalawang makasagisag na babae​—isang makalangit at isang makalupa? Mayroon bang pagkakasalungatan dito? Wala naman. Ipinakita ni apostol Pablo na ang sagot ay nakasalalay sa makahulang larawan na inilaan ng pamilya ni Abraham. (Galacia 4:​22-31; tingnan “Ang Pamilya ni Abraham​—Isang Makahulang Larawan,” sa pahina 218.) Si Sara, ang “malayang babae” at asawa ni Abraham, ay lumalarawan sa tulad-asawang organisasyon ni Jehova ng mga espiritung nilalang. Si Hagar naman, isang aliping babae at pangalawahing asawa, o babae, ni Abraham, ay lumalarawan sa makalupang Jerusalem.

      6. Sa anong diwa dumanas ng pagiging baog sa loob ng mahabang panahon ang makalangit na organisasyon ng Diyos?

      6 Mula sa paglalarawang iyan, makikita natin ang malalim na kahulugan ng Isaias 54:1. Matapos na maging baog sa loob ng maraming dekada, ipinanganak ni Sara si Isaac nang siya’y 90 taóng gulang. Sa katulad na paraan, ang makalangit na organisasyon ni Jehova ay dumaan sa isang mahabang yugto ng pagiging baog. Doon pa man sa Eden, ipinangako na ni Jehova na iluluwal ng kaniyang ‘babae’ ang “binhi.” (Genesis 3:15) Makalipas ang mahigit na 2,000 taon, nakipagtipan si Jehova kay Abraham hinggil sa ipinangakong Binhi. Subalit ang makalangit na ‘babae’ ng Diyos ay kinailangang maghintay ng napakarami pang mga siglo bago iluwal ang Binhing iyon. Gayunman, dumating ang panahon na ang mga anak ng dating “babaing baog” na ito ay mas marami pa kaysa roon sa mga anak ng likas na Israel. Ang ilustrasyon tungkol sa babaing baog ay tumutulong sa atin na maunawaan kung bakit gayon na lamang ang pananabik ng mga anghel na masaksihan ang pagdating ng ipinangakong Binhi. (1 Pedro 1:12) Kailan nangyari iyan sa wakas?

      7. Kailan nagkaroon ng okasyon ng pagsasaya ang “Jerusalem sa itaas,” gaya ng inihula sa Isaias 54:​1, at bakit iyan ang sagot mo?

      7 Ang pagsilang ni Jesus bilang isang anak na tao ay tiyak na isang masayang okasyon para sa mga anghel. (Lucas 2:​9-14) Subalit hindi iyan ang pangyayaring inihula sa Isaias 54:1. Si Jesus ay naging isang espirituwal na anak ng “Jerusalem sa itaas” tangi lamang noong maipanganak na siya sa pamamagitan ng banal na espiritu noong 29 C.E., anupat hayagang kinilala mismo ng Diyos bilang kaniyang “Anak, ang minamahal.” (Marcos 1:​10, 11; Hebreo 1:​5; 5:​4, 5) Noon nagkaroon ng dahilan upang magsaya ang makalangit na ‘babae’ ng Diyos, bilang katuparan ng Isaias 54:1. Sa wakas ay iniluwal na niya ang ipinangakong Binhi, ang Mesiyas! Tapos na ang maraming siglo ng kaniyang pagiging baog. Gayunman, hindi pa iyan ang katapusan ng kaniyang pagsasaya.

      Napakaraming Anak Para sa Babaing Baog

      8. Bakit may dahilang magsaya ang makalangit na ‘babae’ ng Diyos matapos iluwal ang ipinangakong Binhi?

      8 Matapos ang kamatayan ni Jesus at ang kasunod nitong pagkabuhay-muli, masayang tinanggap muli ng makalangit na ‘babae’ ng Diyos ang kinalulugdang Anak na ito bilang “ang panganay mula sa mga patay.” (Colosas 1:18) Pagkatapos ay nagsimula na siyang magluwal ng marami pang espirituwal na mga anak. Noong Pentecostes 33 C.E., mga 120 tagasunod ni Jesus ang pinahiran ng banal na espiritu, anupat inampon sila bilang mga kasamang tagapagmana ni Kristo. Nang dakong huli noong araw ring iyon, 3,000 pa ang naparagdag. (Juan 1:​12; Gawa 1:​13-15; 2:​1-4, 41; Roma 8:​14-16) Ang kalipunang ito ng mga anak ay patuloy na dumami. Noong unang mga siglo ng apostasya sa Sangkakristiyanuhan, napakabagal ng pagsulong. Subalit nagbago iyan noong ika-20 siglo.

  • Nagsaya ang Babaing Baog
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • [Larawan sa pahina 220]

      Pagkabautismo sa kaniya, si Jesus ay pinahiran ng banal na espiritu, at nagsimulang magkaroon ng pinakamahalagang katuparan ang Isaias 54:​1

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share