Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nagsaya ang Babaing Baog
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 9, 10. Ano ang kahulugan ng tagubiling ‘paluwangin pa ang dako ng tolda’ para sa isang babaing nakatira sa tolda noong sinaunang panahon, at bakit ito nangangahulugan ng isang panahon ng kagalakan para sa gayong babae?

      9 Nagpatuloy si Isaias sa paghula tungkol sa isang yugto ng pambihirang pagsulong: “Paluwangin mo pa ang dako ng iyong tolda. At iunat nila ang mga pantoldang tela ng iyong maringal na tabernakulo. Huwag kang magpigil. Habaan mo ang iyong mga panaling pantolda, at patibayin mo ang iyong mga tulos na pantolda. Sapagkat sa gawing kanan at sa gawing kaliwa ay lalago ka, at aariin ng iyong sariling supling ang mga bansa, at tatahanan nila ang mga nakatiwangwang na lunsod. Huwag kang matakot, sapagkat hindi ka malalagay sa kahihiyan; at huwag kang mapahiya, sapagkat hindi ka mabibigo. Sapagkat malilimutan mo ang kahihiyan noong panahon ng iyong kabataan, at ang kadustaan ng iyong malaon nang pagkabalo ay hindi mo na maaalaala pa.”​—Isaias 54:​2-4.

      10 Ang Jerusalem ay kinakausap dito na parang isang asawa at ina na nakatira sa mga tolda, na gaya rin ni Sara. Kapag pinagpalang magkaroon ng isang lumalaking pamilya, panahon na para sa gayong ina na asikasuhin ang pagpapalaki ng kaniyang tahanan. Kailangang pahabain pa niya ang mga pantoldang tela at mga panali at patibayin ang mga tulos na pantolda sa mga bagong puwesto nito. Ito’y isang masayang trabaho para sa kaniya, at sa gayong magawaing panahon, maaaring madali niyang malimutan ang mga taóng ginugol niya sa pag-aagam-agam kung magkakaanak pa kaya siya upang magpatuloy ang kanilang angkan.

  • Nagsaya ang Babaing Baog
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • a Ayon sa Apocalipsis 12:​1-17, ang ‘babae’ ng Diyos ay lubos na pinagpala sa pamamagitan ng pagsisilang sa isang napakahalagang “supling”​—hindi isang indibiduwal na espiritung anak, kundi ang Mesiyanikong Kaharian sa langit. Ang pagsisilang na ito ay naganap noong 1914. (Tingnan ang Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!, pahina 177-86.) Pinagtutuunan ng pansin ng hula ni Isaias ang kagalakang nadama ng babae bilang resulta ng pagpapala ng Diyos sa kaniyang pinahirang mga anak sa lupa.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share