-
Sasabihin Mo ba, “Narito Ako! Suguin Mo Ako”?Ang Bantayan—1987 | Oktubre 15
-
-
9. Ano ba ang diwa ng mensahe ni Isaias?
9 Ang kagila-gilalas na karanasang ito ay humantong sa pagtanggap ng propeta ng binanggit na atas na mangaral. (Isaias 6:8, 9) Subalit bakit dahil sa sasabihin ni Isaias ay paulit-ulit na makikinig ang mga tao ngunit hindi sila magkakaroon ng anumang kaalaman? Isinusog pa ng tinig ng Diyos: “Patigasin mo ang puso ng mga tao, at gawin mong lampasan ang kanilang mga pandinig, at iyong idikit ang kanilang mga mata, upang sila’y huwag makakita . . . at upang sila’y huwag magbalik-loob at magsigaling.” (Isaias 6:10) Ang ibig bang sabihin niyan ay na, sa pamamagitan ng tahasang pagsasalita o ng kawalang taktika, dapat na kumilos si Isaias sa paraan na magpapalayo sa mga Judio upang sila’y manatiling may pakikipag-alitan kay Jehova? Hindi. Ipinakikita lamang nito kung paano tutugon ang karamihan ng mga Judio bagaman buong katapatan at lubusan na tinupad ni Isaias ang gawaing pangangaral na kusang-loob na ginagawa niya nang kaniyang sabihin na, “Narito ako! Suguin mo ako.”
10. (a) Sino ba ang may pagkukulang dahil sa gayong pagiging parang bulag at bingi ng mga tao? (b) Ano ang ibig sabihin ni Isaias sa pagtatanong ng, “Hanggang kailan”?
10 Ang pagkukulang ay nasa mga tao. Sa kabila ng pagsisikap ni Isaias na sila’y “paulit-ulit na makapakinig,” sila’y ayaw kumuha ng kaalaman o magtamo ng kaunawaan. Sinabi na ng Diyos bago pa man na ang karamihan sa kanila, dahilan sa kanilang katigasan ng ulo at kakulangan ng espirituwalidad, ay hindi tutugon. Ang ilan ay baka makinig. Subalit ang karamihan ay nagiging parang bulag na ang mga mata’y mistulang idinikit ng pinakamadikit na kola, kung kaya mong gunigunihin iyan. Gaano katagal magpapatuloy ang ganitong masamang kalagayan? Iyan, imbis na kung ilang mga taon kakailanganin siyang maglingkod, ang itinanong ni Isaias nang sabihin niya: “Hanggang kailan, Oh Jehova?” Kaya naman ang Diyos ay tumugon: “Hanggang sa ang mga bayan ay magiba, na walang tumatahan.” At gayon nga ang nangyari, bagama’t patay na noon si Isaias. Inalis doon ng mga taga-Babilonya ang makalupang mga tao, kaya ang Juda ay “naging isang kagibaan.”—Isaias 6:11, 12; 2 Hari 25:1-26.
-
-
Sasabihin Mo ba, “Narito Ako! Suguin Mo Ako”?Ang Bantayan—1987 | Oktubre 15
-
-
Higit na mga Katuparan
12. Ano ang batayan sa Kasulatan sa pagkakapit kay Jesus ng tawag na Lalong-dakilang Isaias?
12 Mga ilang siglo pagkamatay ni Isaias, may isang naparito na matatawag nating ang Lalong-dakilang Isaias—si Jesu-Kristo. Bago siya naparito bilang tao, siya’y nagboluntaryo sa kaniyang Ama na siya’y ipadala rito sa lupa, at dito’y ilalakip niya sa kaniyang pangangaral ang mga bagay na isinulat ni Isaias. (Kawikaan 8:30, 31; Juan 3:17, 34; 5:36-38; 7:28; 8:42; Lucas 4:16-19; Isaias 61:1) Ang lalong mahalaga, iniugnay ni Jesus ang kaniyang sarili sa Isaias kabanata 6 nang Kaniyang ipaliwanag kung bakit Siya’y nagturo na gaya ng pagtuturo Niya. (Mateo 13:10-15; Marcos 4:10-12; Lucas 8:9, 10) Iyon ay nararapat naman, sapagkat karamihan ng mga Judio na nakarinig kay Jesus ay hindi tumanggap sa kaniyang mensahe at hindi kumilos ayon doon katulad din niyaong mga nakarinig kay propeta Isaias. (Juan 12:36-43) Gayundin, noong 70 C.E. ang mga Judio na ‘nagpakabulag at nagpakabingi’ sa mensahe ni Jesus ay nangapuksa katulad ng mga Judio noong 607 B.C.E. Ang pangyayaring ito noong unang siglo ay isang kapighatian na sumapit sa Jerusalem ‘na hindi pa nangyayari sapol nang pasimula ng sanlibutan ni mangyayari pa uli.’ (Mateo 24:21) Gayunman, gaya ng inihula ni Isaias, isang nalabi, o “banal na binhi,” ang nanampalataya. Ang mga ito ay binuo upang maging isang espirituwal na bansa, ang pinahirang “Israel ng Diyos.”—Galacia 6:16.
13. Bakit natin maaasahan ang isa pang katuparan ng Isaias 6?
13 Tayo ngayon ay sumapit na sa isa pang salig-sa-Bibliyang katuparan ng Isaias kabanata 6. Bilang isang susi sa pagkaunawa nito, isaalang-alang ang salita ni apostol Pablo noong mga taóng 60 C.E. Kaniyang ipinaliwanag kung bakit maraming mga Judio na nakapakinig sa kaniya sa Roma ang ayaw tumanggap sa kaniyang “patotoo tungkol sa kaharian ng Diyos.” Ang dahilan ay sapagkat natutupad na naman noon ang Isaias 6:9, 10. (Gawa 28:17-27) Ito ba’y nangangahulugan na pagkatapos lumisan si Jesus sa lupa, ang kaniyang pinahirang mga alagad ay gaganap ng isang atas na katulad ng atas kay Isaias? Oo, totoo iyan!
14. Paanong ang mga alagad ni Jesus ay gagawa ng isang gawaing katulad ng kay Isaias?
14 Bago umakyat sa langit ang Lalong-dakilang Isaias, sinabi niya na ang kaniyang mga alagad ay tatanggap ng banal na espiritu at pagkatapos sila’y “magiging mga saksi [niya] sa Jerusalem at sa buong Judea at sa Samaria at sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa.” (Gawa 1:8) Kung paanong ang dambana na pinaghahandugan ng hain ang nagtakip sa pangangailangan para maalis ang kasamaan ni Isaias, ang inihandog na hain ni Jesus naman ang saligan upang ‘mapagbayaran ang kasalanan’ ng kaniyang mga alagad. (Levitico 6:12, 13; Hebreo 10:5-10; 13:10-15) Kaya naman, maaari nang sila’y pahiran ng Diyos ng kaniyang banal na espiritu, at ito’y nagbibigay-kapangyarihan din sa kanila upang maging ‘mga saksi hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa.’ Kapuwa ang propetang si Isaias at ang Lalong-dakilang Isaias ay sinugo upang ibalita ang pasabi ng Diyos. Gayundin naman, ang pinahirang mga tagasunod ni Jesus ay “mula sa Diyos . . . na sinugong kasama ni Kristo.”—2 Corinto 2:17.
-