Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Ama at ang Kaniyang Rebelyosong mga Anak
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 20 Winakasan ni Isaias ang makahulang pananalitang ito: “Malibang si Jehova ng mga hukbo ang nag-iwan sa atin ng iilang nakaligtas, naging gaya na sana tayo ng Sodoma, nakahalintulad na sana tayo ng Gomorra.” (Isaias 1:9)c Laban sa kapangyarihan ng Asirya, si Jehova sa wakas ay tutulong sa Juda. Di-gaya ng Sodoma at Gomorra, ang Juda ay hindi malilipol. Ito’y makaliligtas.

      21. Pagkatapos wasakin ng Babilonya ang Jerusalem, bakit ‘nag-iwan si Jehova ng ilang nakaligtas’?

      21 Makalipas ang mahigit sa 100 taon, ang Juda ay napasailalim muli ng pagbabanta. Ang bayan ay hindi natuto mula sa disiplinang inilapat sa pamamagitan ng Asirya. “Patuloy nilang kinakantiyawan ang mga mensahero ng tunay na Diyos at hinahamak ang kaniyang mga salita at nililibak ang kaniyang mga propeta.” Bilang resulta, “ang pagngangalit ni Jehova ay sumiklab laban sa kaniyang bayan, hanggang sa wala nang kagalingan.” (2 Cronica 36:16) Ang Juda ay nilupig ng monarka ng Babilonya na si Nabucodonosor at sa pagkakataong ito, wala nang natira pa “gaya ng isang kubol sa ubasan.” Maging ang Jerusalem ay nawasak. (2 Cronica 36:17-21) Gayunman, ‘nag-iwan si Jehova ng ilang nakaligtas.’ Bagaman ang Juda ay nagbata ng 70 taon sa pagkakatapon, tiniyak ni Jehova na magpapatuloy ang bansa at lalo na ang linya ni David, na siyang magluluwal ng ipinangakong Mesiyas.

      22, 23. Noong unang siglo, bakit ‘nag-iwan si Jehova ng ilang nakaligtas’?

      22 Noong unang siglo, dumanas ang Israel ng huling krisis nito bilang tipang-bayan ng Diyos. Nang iharap ni Jesus ang sarili bilang ang ipinangakong Mesiyas, siya’y itinakwil ng bansa, at bilang resulta, itinakwil sila ni Jehova. (Mateo 21:43; 23:37-39; Juan 1:11) Dito ba nagtatapos ang pagkakaroon ni Jehova ng isang pantanging bansa sa lupa? Hindi. Ipinakita ni apostol Pablo na ang Isaias 1:9 ay may isa pang katuparan. Bilang pagsipi mula sa bersiyong Septuagint, isinulat niya: “Gaya nga ng sinabi ni Isaias noong una: ‘Malibang si Jehova ng mga hukbo ang nag-iwan ng isang binhi sa atin, naging gaya na sana tayo ng Sodoma, at ginawa na sana tayong katulad ng Gomorra.’”​—Roma 9:29.

      23 Sa pagkakataong ito ang mga nakaligtas ay ang mga pinahirang Kristiyano, na naglagak ng pananampalataya kay Jesu-Kristo. Ang mga ito, una sa lahat, ay ang sumasampalatayang mga Judio. Sa dakong huli, sumama sa kanila ang mga sumasampalatayang Gentil. Magkasama silang bumuo ng isang bagong Israel, “ang Israel ng Diyos.” (Galacia 6:16; Roma 2:29) Ang “binhi” na ito ay nakaligtas sa pagkawasak ng Judiong sistema ng mga bagay noong 70 C.E. Sa katunayan, “ang Israel ng Diyos” ay kasama pa rin natin ngayon. Kasama nito ngayon ang milyun-milyong sumasampalatayang indibiduwal ng mga bansa, na bumubuo ng “isang malaking pulutong, na hindi mabilang ng sinumang tao, mula sa lahat ng mga bansa at mga tribo at mga bayan at mga wika.”​—Apocalipsis 7:9.

      24. Ano ang dapat bigyang-pansin ng lahat kung sila’y nagnanais na makaligtas sa pinakamalaking krisis ng sangkatauhan?

      24 Hindi na magtatagal at mapapaharap ang sanlibutang ito sa digmaan ng Armagedon. (Apocalipsis 16:14, 16) Bagaman ito ay magiging isang krisis na mas malaki pa kaysa sa pananalakay ng Asirya o ng Babilonya sa Juda, at mas malaki pa maging sa pagwasak ng Roma sa Judea noong 70 C.E., may mga makaliligtas. (Apocalipsis 7:14) Napakahalaga, kung gayon, na maingat na isaalang-alang ng lahat ang mga salita ni Isaias sa Juda! Ang mga ito’y nangahulugan ng kaligtasan para sa mga tapat noon. At ang mga ito’y maaaring mangahulugan ng kaligtasan para sa mga sumasampalataya ngayon.

  • Isang Ama at ang Kaniyang Rebelyosong mga Anak
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • c Ang Commentary on the Old Testament, nina C. F. Keil at F. Delitzsch ay nagsasabi: “Ang pahayag ng propeta ay nagtatapos dito pansamantala. Ang bagay na ito’y hinati sa dalawang magkahiwalay na seksiyon, ay ipinapakita ng teksto sa pamamagitan ng espasyong iniwan sa pagitan ng mga Isa 1 tal. 9 at 10. Ang paraang ito ng pagbubukod ng malalaki o maliliit na seksiyon, maging sa pamamagitan ng pag-iiwan ng mga espasyo o sa pamamagitan ng pagputol ng linya, ay mas matagal nang umiiral kaysa sa mga punto ng patinig at mga tuldik, at ito’y nakasalig sa isang kaugalian mula pa noong sinaunang panahon.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share