Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Inilantad ang Pagpapaimbabaw!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 17. Paano nanawagan si Jehova sa kaniyang bayan upang tumalima sa mga kautusan ng Sabbath?

      17 Ang Sabbath ay isang kapahayagan ng matinding malasakit ng Diyos para sa pisikal at espirituwal na kapakanan ng kaniyang bayan. Sinabi ni Jesus: “Ang sabbath ay umiral alang-alang sa tao.” (Marcos 2:27) Ang araw na ito na pinabanal ni Jehova ay nagbigay sa mga Israelita ng isang pantanging pagkakataon upang ipakita ang kanilang pag-ibig sa Diyos. Nakalulungkot, noong kapanahunan ni Isaias ay nauwi na lamang ito sa isang araw ng pangingilin ng walang-saysay na mga ritwal at pagpapakasasa sa mapag-imbot na mga pagnanasa. Kaya minsan pa, may dahilan si Jehova upang sawayin ang kaniyang bayan. At muli, sinikap niyang abutin ang kanilang puso. Sinabi niya: “Kung dahil sa sabbath ay iuurong mo ang iyong paa sa paggawa ng iyong sariling mga kaluguran sa aking banal na araw, at ang sabbath ay tatawagin mo ngang masidhing kaluguran, isang banal na araw ni Jehova, isa na niluluwalhati, at luluwalhatiin mo nga ito sa halip na gawin ang iyong sariling mga lakad, sa halip na hanapin ang kinalulugdan mo at magbitiw ng salita; kung magkagayon ay makasusumpong ka ng iyong masidhing kaluguran kay Jehova, at pasasakayin kita sa matataas na dako sa lupa; at pakakainin kita mula sa minanang pag-aari ni Jacob na iyong ninuno, sapagkat ang bibig mismo ni Jehova ang nagsalita nito.”​—Isaias 58:​13, 14.

  • Inilantad ang Pagpapaimbabaw!
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 19. Anong mayamang mga pagpapala ang nakalaan para sa bayan ng Diyos kung ipangingilin nila ang Sabbath?

      19 Gayunman, kung ang mga Judio ay matututo dahil sa disiplina at magpaparangal sa kaayusan ng Sabbath, mayamang mga pagpapala ang nakalaan para sa kanila. Ang mabubuting bunga ng tunay na pagsamba at paggalang sa Sabbath ay mag-uumapaw sa lahat ng pitak ng kanilang buhay. (Deuteronomio 28:​1-13; Awit 19:​7-11) Halimbawa, “pasasakayin [ni Jehova] sa matataas na dako sa lupa” ang kaniyang bayan. Ang pananalitang ito ay nangangahulugan ng katiwasayan at pananaig sa mga kaaway. Sinumang kumokontrol sa matataas na dako​—sa mga burol at mga bundok​—ay kumokontrol sa lupain. (Deuteronomio 32:​13; 33:29) Noong dati ay tumatalima ang Israel kay Jehova, at ang bansa ay nagtatamasa ng kaniyang proteksiyon at iginagalang, kinatatakutan pa nga ito ng ibang mga bansa. (Josue 2:​9-11; 1 Hari 4:​20, 21) Kung babaling silang muli kay Jehova at magiging masunurin, ang ilang bahagi ng dating kaluwalhatiang iyon ay isasauli. Pagkakalooban ni Jehova ang kaniyang bayan ng lubusang bahagi sa “minanang pag-aari ni Jacob”​—ang mga pagpapalang ipinangako sa pamamagitan ng Kaniyang tipan sa kanilang mga ninuno, lalo na ang pagpapalang matiwasay na magmay-ari ng Lupang Pangako.​—Awit 105:​8-11.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share