Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Hindi Naging Maikli ang Kamay ni Jehova
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 17. Sino ang Manunubos ng Sion, at kailan niya tinubos ang Sion?

      17 Sa ilalim ng Kautusan ni Moises, ang isang Israelita na nagbili ng kaniyang sarili sa pagkaalipin ay maaaring tubusin ng isang manunubos mula sa pagkaalipin. Sa makahulang aklat ni Isaias noon, si Jehova ay ipinakikilala bilang Manunubos ng nagsisising mga indibiduwal. (Isaias 48:17) Ngayon ay inilalarawan siyang muli bilang Manunubos ng mga nagsisisi. Iniulat ni Isaias ang pangako ni Jehova: “ ‘Sa Sion ay tiyak na paroroon ang Manunubos, at sa kanila na tumatalikod sa pagsalansang sa Jacob,’ ang sabi ni Jehova.” (Isaias 59:20) Ang nakapagpapatibay na pangakong ito ay natupad noong 537 B.C.E. Subalit mayroon pa itong ibang katuparan. Sinipi ni apostol Pablo ang mga salitang ito mula sa bersiyon ng Septuagint at ikinapit ito sa mga Kristiyano. Isinulat niya: “Sa ganitong paraan ay maliligtas ang buong Israel. Gaya nga ng nasusulat: ‘Ang tagapagligtas ay lalabas mula sa Sion at ilalayo ang di-makadiyos na mga gawain mula sa Jacob. At sa aking bahagi ay ito ang tipan sa kanila, kapag inalis ko ang kanilang mga kasalanan.’ ” (Roma 11:​26, 27) Tunay ngang may mas malawak pang pinagkakapitan ang hula ni Isaias​—isa na umaabot hanggang sa ating kapanahunan at lampas pa rito. Paano?

  • Hindi Naging Maikli ang Kamay ni Jehova
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 19. Ano ang ipinakipagtipan ni Jehova sa Israel ng Diyos?

      19 Nakipagtipan ngayon si Jehova sa Israel ng Diyos. Mababasa natin: “ ‘Kung tungkol sa akin, ito ang aking tipan sa kanila,’ ang sabi ni Jehova. ‘Ang aking espiritu na sumasaiyo at ang aking mga salita na inilagay ko sa iyong bibig​—ang mga iyon ay hindi aalisin sa iyong bibig o sa bibig ng iyong supling o sa bibig ng supling ng iyong supling,’ ang sabi ni Jehova, ‘mula ngayon at maging hanggang sa panahong walang takda.’ ” (Isaias 59:21) Ang mga salitang ito man ay kumapit mismo kay Isaias o hindi, ito’y tiyak na natupad kay Jesus, na pinangakuang “makikita niya ang kaniyang supling.” (Isaias 53:10) Sinabi ni Jesus ang mga salitang natutuhan niya kay Jehova, at sumakaniya ang espiritu ni Jehova. (Juan 1:​18; 7:16) Angkop lamang na ang kaniyang mga kapatid at mga kasamang tagapagmana, mga miyembro ng Israel ng Diyos, ay tumanggap din ng banal na espiritu ni Jehova at mangaral ng isang mensahe na natutuhan nila sa kanilang makalangit na Ama. Silang lahat ay “mga taong naturuan ni Jehova.” (Isaias 54:​13; Lucas 12:​12; Gawa 2:38) Sa pamamagitan man ni Isaias o ni Jesus, na makahulang inilalarawan ni Isaias, nakipagtipan si Jehova na hindi sila kailanman papalitan kundi sila’y gagamitin hanggang sa panahong walang takda bilang kaniyang mga saksi. (Isaias 43:10) Subalit sino ang kanilang mga “supling” na nakikinabang din sa tipang ito?

      20. Paano natupad noong unang siglo ang ipinangako ni Jehova kay Abraham?

      20 Noong sinaunang panahon, nangako si Jehova kay Abraham: “Sa pamamagitan ng iyong binhi ay tiyak na pagpapalain ng lahat ng bansa sa lupa ang kanilang sarili.” (Genesis 22:18) Kasuwato nito, ang maliit na nalabi ng likas na Israel na tumanggap sa Mesiyas ay nagtungo sa maraming bansa, na nangangaral ng mabuting balita tungkol sa Kristo. Simula kay Cornelio, maraming di-tuling Gentil ang ‘nagpala sa kanilang sarili’ sa pamamagitan ni Jesus, ang Binhi ni Abraham. Sila’y naging bahagi ng Israel ng Diyos at pangalawahing bahagi ng binhi ni Abraham. Sila’y bahagi ng “banal na bansa” ni Jehova, na inatasang “ipahayag [nila] nang malawakan ang mga kagalingan ng isa na tumawag sa [kanila] mula sa kadiliman tungo sa kaniyang kamangha-manghang liwanag.”​—1 Pedro 2:​9; Galacia 3:​7-9, 14, 26-29.

      21. (a) Anong mga “supling” ang iniluluwal ng Israel ng Diyos sa makabagong panahon? (b) Paanong ang mga “supling” ay naaaliw dahil sa tipan, o kontrata, na ginawa ni Jehova sa Israel ng Diyos?

      21 Sa ngayon ay lumilitaw na natipon na ang hustong bilang ng Israel ng Diyos. Gayunman, patuloy pa ring pinagpapala ang mga bansa​—at sa malawakang paraan. Paano? Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Israel ng Diyos ng mga “supling,” mga alagad ni Jesus na ang pag-asa’y buhay na walang hanggan sa isang paraisong lupa. (Awit 37:​11, 29) Ang mga “supling” na ito ay tinuruan din ni Jehova at binigyan ng instruksiyon tungkol sa kaniyang mga daan. (Isaias 2:​2-4) Bagaman hindi nabautismuhan ng banal na espiritu o itinuturing na mga kasali sa bagong tipan, sila’y pinalalakas ng banal na espiritu ni Jehova upang mapagtagumpayan ang lahat ng mga hadlang na inilalagay ni Satanas sa daan ng kanilang gawaing pangangaral. (Isaias 40:​28-31) Ang kanilang bilang sa ngayon ay umaabot na sa milyun-milyon at patuloy pang dumarami habang nagluluwal naman sila ng kanilang sariling mga supling. Ang tipan ni Jehova, o kontrata niya, sa mga pinahiran ay nagbibigay sa mga “supling” na ito ng pagtitiwala na patuloy rin silang gagamitin ni Jehova bilang kaniyang mga tagapagsalita hanggang sa panahong walang takda.​—Apocalipsis 21:​3, 4, 7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share