Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagsasaya Para sa mga Lumalakad sa Liwanag
    Ang Bantayan—2001 | Marso 1
    • 2 Taglay iyan sa isipan, mauunawaan natin ang kalubhaan ng situwasyon na inilarawan ni propeta Isaias. Sinabi niya: “Narito! tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng makapal na karimlan ang mga liping pambansa.” (Isaias 60:2) Siyempre, hindi ito tumutukoy sa literal na kadiliman. Hindi ibig sabihin ni Isaias na balang araw ay hindi na sisikat ang araw, buwan, at mga bituin. (Awit 89:36, 37; 136:7-9) Sa halip, ang tinutukoy niya ay espirituwal na kadiliman. Subalit ang espirituwal na kadiliman ay nakamamatay. Sa katagalan, hindi tayo maaaring mabuhay nang walang espirituwal na liwanag kung paanong hindi tayo maaaring mabuhay nang walang literal na liwanag.​—Lucas 1:79.

      3. Dahil sa mga salita ni Isaias, ano ang dapat gawin ng mga Kristiyano?

      3 Dahil dito, may seryosong dahilan upang bigyang-pansin na ang mga salita ni Isaias, bagaman natupad sa sinaunang Juda, ay nagkakaroon ng mas malaking katuparan sa ngayon. Oo, ang sanlibutan sa ating panahon ay nalalambungan ng espirituwal na kadiliman. Sa gayong kapanganib na kalagayan, napakahalaga ang espirituwal na liwanag. Kaya dapat na makinig ang mga Kristiyano sa payo ni Jesus: “Pasikatin ninyo ang inyong liwanag sa harap ng mga tao.” (Mateo 5:16) Maaaring papagliwanagin ng tapat na mga Kristiyano ang kadiliman para sa maaamo, sa gayon ay binibigyan sila ng pagkakataon na magtamo ng buhay.​—Juan 8:12.

  • Pagsasaya Para sa mga Lumalakad sa Liwanag
    Ang Bantayan—2001 | Marso 1
    • 4. Kailan unang natupad ang makahulang mga salita ni Isaias, ngunit anong situwasyon ang umiiral na noong kaniyang panahon?

      4 Ang mga salita ni Isaias tungkol sa kadiliman na tumatakip sa lupa ay unang natupad nang maiwang tiwangwang ang Juda at naging tapon ang mga mamamayan nito sa Babilonya. Subalit, bago pa man iyon, ang kalakhang bahagi ng bansa noong panahon mismo ni Isaias ay nalalambungan na ng espirituwal na kadiliman, isang katotohanan na nagpakilos sa kaniya upang himukin ang kaniyang mga kababayan: “O mga tao ng sambahayan ni Jacob, pumarito kayo at lumakad tayo sa liwanag ni Jehova”!​—Isaias 2:5; 5:20.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share