Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tagapagdala ng Liwanag—Ukol sa Anong Layunin?
    Ang Bantayan—1993 | Enero 15
    • 16, 17. Papaano pinasikat ni Jehova ang kaniyang kaluwalhatian sa kaniyang tulad-babaing organisasyon noong 1914, at anong utos ang Kaniyang ibinigay sa kaniya?

      16 Sa nakapupukaw-kaluluwang pangungusap, inilalarawan ng Kasulatan ang paraan kung papaano pinatatagos ang liwanag ng Diyos sa mga tao sa lahat ng dako. Ang Isaias 60:1-3, na pasabing ukol sa “babae” ni Jehova, o ang kaniyang makalangit na organisasyon ng tapat na mga lingkod, ay nagsasabi: “Bumangon ka, Oh babae, pasikatin mo ang liwanag, sapagkat dumating ang iyong liwanag at sumikat sa iyo ang mismong kaluwalhatian ni Jehova. Sapagkat, narito! tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng pusikit na dilim ang mga bayan; ngunit sisikat sa iyo si Jehova, at makikita sa iyo ang kaniya mismong kaluwalhatian. At ang mga bansa ay tiyak na paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa kaningningan ng iyong liwanag.”

  • Mga Tagapagdala ng Liwanag—Ukol sa Anong Layunin?
    Ang Bantayan—1993 | Enero 15
    • 18. (a) Bakit tinatakpan ng kadiliman ang lupa, gaya ng inihula sa Isaias 60:2? (b) Papaano maililigtas ang isahang mga tao buhat sa kadiliman ng lupa?

      18 Sa kabaligtaran, tinatakpan ng kadiliman ang lupa at ng pusikit na dilim ang mga bayan. Bakit? Sapagkat tinatanggihan ng mga bansa ang pamahalaan ng mahal na Anak ng Diyos at ang tinatanggap ay ang pamamahala ng tao. Kanilang inaakala na sa pag-aalis ng isang anyo ng pamahalaan ng tao at pagtatatag ng iba, kanilang malulutas ang kanilang mga suliranin. Subalit ito’y hindi nagdadala ng kaginhawahan na kanilang inaasahan. Hindi nila nakikita kung sino ang nasa likod na nagmamaneobra sa mga bansa buhat sa dako ng mga espiritu. (2 Corinto 4:4) Kanilang tinatanggihan ang Pinagmumulan ng tunay na liwanag at kung gayon ay nasa kadiliman. (Efeso 6:12) Gayunman, anuman ang gawin ng mga bansa, ang isahang mga tao ay maililigtas buhat sa kadilimang iyan. Sa papaanong paraan? Sa pamamagitan ng paglalagak ng buong pananampalataya sa Kaharian ng Diyos at pagpapasakop dito.

      19, 20. (a) Bakit at papaano sumikat sa pinahirang mga tagasunod ni Jesus ang kaluwalhatian ni Jehova? (b) Bakit kaya ginawa ni Jehova na kaniyang mga tagapagdala ng liwanag ang kaniyang mga pinahiran? (c) Gaya ng inihula, papaano nagsilapit sa bigay-Diyos na liwanag ang “mga hari” at “mga bansa”?

      19 Ang Sangkakristiyanuhan ay hindi naglagak ng pananampalataya sa Kaharian ng Diyos at hindi nagpapasakop dito. Subalit ang pinahiran ng espiritung mga tagasunod ni Jesu-Kristo ay gumawa ng gayon. Kaya naman, ang liwanag ni Jehova ng banal na pagsang-ayon ay sumikat sa nakikitang mga kinatawang ito ng kaniyang makalangit na babae, at ang kaniyang kaluwalhatian ay nakita sa kanila. (Isaias 60:19-21) Sila’y nagtatamasa ng espirituwal na liwanag na hindi maaaring alisin ng anumang pagbabago sa kalagayan ng sanlibutan sa larangan ng pulitika o ng ekonomiya. Kanilang naranasan na ang pagliligtas sa kanila ni Jehova buhat sa Babilonyang Dakila. (Apocalipsis 18:4) Kanilang tinatamasa ang kaniyang ngiti ng pagsang-ayon sapagkat kanilang tinatanggap ang kaniyang pagdisiplina at buong-katapatang nagtataguyod ng kaniyang soberanya. Sila’y may maningning na pag-asa sa hinaharap, at sila’y nagagalak sa pag-asang kaniyang ibinigay sa kanila.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share