Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tagapagdala ng Liwanag—Ukol sa Anong Layunin?
    Ang Bantayan—1993 | Enero 15
    • 16, 17. Papaano pinasikat ni Jehova ang kaniyang kaluwalhatian sa kaniyang tulad-babaing organisasyon noong 1914, at anong utos ang Kaniyang ibinigay sa kaniya?

      16 Sa nakapupukaw-kaluluwang pangungusap, inilalarawan ng Kasulatan ang paraan kung papaano pinatatagos ang liwanag ng Diyos sa mga tao sa lahat ng dako. Ang Isaias 60:1-3, na pasabing ukol sa “babae” ni Jehova, o ang kaniyang makalangit na organisasyon ng tapat na mga lingkod, ay nagsasabi: “Bumangon ka, Oh babae, pasikatin mo ang liwanag, sapagkat dumating ang iyong liwanag at sumikat sa iyo ang mismong kaluwalhatian ni Jehova. Sapagkat, narito! tatakpan ng kadiliman ang lupa, at ng pusikit na dilim ang mga bayan; ngunit sisikat sa iyo si Jehova, at makikita sa iyo ang kaniya mismong kaluwalhatian. At ang mga bansa ay tiyak na paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa kaningningan ng iyong liwanag.”

  • Mga Tagapagdala ng Liwanag—Ukol sa Anong Layunin?
    Ang Bantayan—1993 | Enero 15
    • 20 Subalit sa anong layunin nakikitungo sa kanila si Jehova sa ganitong paraan? Gaya ng kaniyang sinabi sa Isaias 60:21, ito’y upang siya’y “luwalhatiin,” upang ang kaniyang pangalan ay maparangalan at ang iba ay makalapit sa kaniya bilang ang tanging tunay na Diyos​—at na taglay ang walang-hanggang kapakinabangan sa kanilang sarili. Kaayon nito, noong 1931 ang mga sumasambang ito sa tunay na Diyos ay tumanggap ng pangalang mga Saksi ni Jehova. Bilang bunga ng kanilang pagpapatotoo, ang “mga hari” ba ay naakit sa liwanag na kanilang pinasikat, gaya ng inihula ni Isaias? Oo! Hindi ang pulitikal na mga pinunò sa lupa, kundi ang mga natitira pa sa mga nakahanay na maghaharing kasama ni Kristo sa kaniyang makalangit na Kaharian. (Apocalipsis 1:5, 6; 21:24) At kumusta naman ang “mga bansa”? Sila ba’y naakit sa liwanag na ito? Tiyak na gayon nga! Walang indibiduwal na makapulitikang bansa ang naakit, kundi isang malaking pulutong ng mga tao buhat sa lahat ng bansa ang nanindigan sa panig ng Kaharian ng Diyos, at buong-kasabikang inaasam-asam nila ang kaligtasan tungo sa bagong sanlibutan ng Diyos. Ito ay magiging isang tunay na bagong sanlibutan na doon ay iiral ang katuwiran.​—2 Pedro 3:13; Apocalipsis 7:9, 10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share