Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Resulta ng Pangangaral—“Ang mga Bukid . . . ay Mapuputi Na Para sa Pag-aani”
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    • 15. Paano natutupad ang Isaias 60:5, 22? (Tingnan din ang mga kahong “Walang Imposible kay Jehova,” pahina 93, at “‘Ang Maliit’ ay Naging ‘Makapangyarihang Bansa,’” pahina 96-97.)

      15 Mga 800 taon bago bigkasin ni Jesus ang mga ilustrasyong iyon, ipinasulat ni Jehova sa pamamagitan ni Isaias ang napakagandang hula hinggil sa magiging saklaw ng modernong-panahong espirituwal na pag-aani at ng idudulot nitong kagalakan.c Inilarawan ni Jehova ang mga tao “mula sa malayo” na humuhugos sa kaniyang organisasyon. Ganito ang sinabi ni Jehova sa “babae,” na kumakatawan ngayon sa pinahirang nalabi sa lupa: “Makikita mo at ikaw ay tiyak na magniningning, at ang iyong puso ay manginginig at lálakí, sapagkat sa iyo ay pupunta ang kayamanan ng dagat; ang mismong yaman ng mga bansa ay paroroon sa iyo.” (Isa. 60:1, 4, 5, 9) Totoong-totoo iyan! Sa ngayon, talagang nagniningning sa kagalakan ang matatagal nang lingkod ni Jehova habang nasasaksihan nila ang pagdami ng mamamahayag ng Kaharian sa kani-kanilang lupain​—mula sa kaunti ay naging libo-libo.

  • Resulta ng Pangangaral—“Ang mga Bukid . . . ay Mapuputi Na Para sa Pag-aani”
    Namamahala Na ang Kaharian ng Diyos!
    • c Para sa higit pang detalye ng hulang ito, tingnan ang Hula ni Isaias​—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II, pahina 303-320.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share