Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mamamayan o Banyaga, Tinatanggap Ka ng Diyos!
    Ang Bantayan—1992 | Abril 15
    • 19. May kaugnayan sa pagbabalik ng Israel, anong hula ang nagpapakita na masasangkot ang mga banyaga?

      19 At, sa paghula sa pagtubos at pagbabalik ng bayan ng Diyos, binigkas ni Isaias ang nakagigitlang hulang ito: “Ang mga bansa ay paroroon sa iyong liwanag, at ang mga hari sa ningning ng iyong sikat.” (Isaias 59:20; 60:3) Ito’y nangangahulugan na higit pa kaysa isahang mga banyaga ang tinatanggap, kasuwato ng panalangin ni Solomon. Itinatawag-pansin ni Isaias ang isang di-karaniwang pagbabago sa kalagayan. “Ang mga bansa” ay maglilingkod kasama ng mga anak ng Israel: “Mga banyaga ang aktuwal na magtatayo ng iyong mga pader, at ang kanilang sariling mga hari ay maglilingkod sa iyo; sapagkat sa aking poot ay sinaktan kita, ngunit sa aking kabutihang-loob ay maaawa ako sa iyo.”​—Isaias 60:10.

  • Mamamayan o Banyaga, Tinatanggap Ka ng Diyos!
    Ang Bantayan—1992 | Abril 15
    • 22. Papaano nagagawa ng “mga banyaga” na gumawang kasama ng espirituwal na mga Israelita?

      22 Kumusta naman ang ‘mga banyaga na aktuwal na magtatayo ng iyong mga pader’? Ito ay naganap din sa panahon natin. Samantalang ang pagkatawag sa 144,000 ay malapit nang matapos, isang malaking pulutong buhat sa lahat ng bansa ang nagsimulang makipagpisan sa pagsamba kasama ng espirituwal na Israel. Ang mas bagong mga mananambang ito ay may salig-Bibliyang pag-asang magkamit ng buhay na walang-hanggan sa isang lupang paraiso. Bagaman nagkakaiba ang dakong karoroonan nila sa kanilang tapat na paglilingkod, sila’y nalulugod na tulungan ang pinahirang nalabi sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian.​—Mateo 24:14.

      23. Hanggang saan natulungan ng “mga banyaga” ang pinahiran?

      23 Sa ngayon, mahigit na 4,000,000 na “mga banyaga,” kasama yaong mga nalabi ng mga ‘nasa langit ang pagkamamamayan,’ ang nagpapatunay ng kanilang debosyon kay Jehova. Marami sa kanila, mga lalaki at mga babae, mga kabataan at mga may edad na, ang naglilingkod sa buong-panahong ministeryo bilang mga payunir. Sa karamihan ng mahigit na 66,000 kongregasyon, ang gayong mga banyaga ay may dalang pananagutan bilang matatanda at ministeryal na mga lingkod. Ito’y ikinagagalak ng mga nalabi, yamang nakikita ang katuparan ng mga salita ni Isaias: “Ang mga tagaibang lupa ay magsisitayo at magpapastol ng inyong mga kawan, at ang mga banyaga ay magiging inyong mga mang-aararo at inyong mga mang-uubasan.”​—Isaias 61:5.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share