Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lumuluwalhati sa Diyos ang Paraisong Naisauli
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 15
    • 1, 2. (a) Sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Isaias, ano ang inihula ng Diyos tungkol sa lupa? (b) Sa pagtanaw sa isang libong taon sa hinaharap, ano ba ang ating nakikita?

      NILALANG ni Jehova ang lupa bilang isang planeta sa ilalim ng kaniyang mga paa, bilang kaniyang makasagisag na tuntungang-dako ng kaniyang mga paa. Sa pamamagitan ng kaniyang propetang si Isaias, inihula ng Diyos na kaniyang ‘luluwalhatiin ang tuntungang-dako ng kaniyang mga paa.’ (Isaias 60:13) Sa tulong ng kinasihang Bibliya, tayo’y makatatanaw, na para bagang tinutulungan ng isang malakas na teleskopyo, sa isang libong taon sa hinaharap na panahon ng sangkatauhan. Anong walang kahulilip na kagandahan ang sumasalubong sa ating mga mata! Ang buong lupa ay nagniningning sa sakdal na kagandahang likha ng pinakadakilang Hardinero sa buong sansinukob. Sa panahong iyon ang Paraiso ay naibalik na sa buong lupa sa sangkatauhan!

  • Lumuluwalhati sa Diyos ang Paraisong Naisauli
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 15
    • 3, 4. (a) Sa papaano magiging magkatugma ang langit at ang lupa? (b) Papaano tutugon ang mga anghel pagka naisauli na sa lupa ang Paraiso?

      3 Libu-libong taon ang nakalipas, sa isang kinasihang paglalarawan ng kaniyang kinaroroonang dako, sinalita ng Diyos ang kahanga-hangang mga salitang ito sa kaniyang hinirang na bayan: “Ang langit ang aking trono, at ang lupa ay tuntungan ng aking mga paa.” (Isaias 66:1) Ang lubos na kaluwalhatian ng kaniyang ‘tuntungan ng mga paa,’ ang lupang Paraiso, ay dapat angkop na makatugma ng kaluwalhatian ng kaniyang trono sa di-nakikitang kalangitan.

  • Lumuluwalhati sa Diyos ang Paraisong Naisauli
    Ang Bantayan—1989 | Agosto 15
    • 6. Pagkatapos ng Armagedon, papaano magkakaroon ng mga tao ang lupa?

      6 Bagaman ang mga makaliligtas sa Armagedon ay kakaunti lamang kung ihahambing ang bilang, hindi lamang sa pag-aanak nila lubusang magkakaroon ng mga tao ang lupa. ‘Luluwalhatiin din [ni Jehova] ang dako ng kaniyang mga paa’ sa pamamagitan ng muling pagbuhay sa mga nasa alaalang libingan at mga kuwalipikadong makinabang sa haing pantubos ni Kristo. Ang mga ito, sa ganang kanila, ay magkakaroon ng pribilehiyo na makibahagi sa kalugud-lugod na gawaing isauli ang ating makalupang globo sa isang ubod-gandang paraiso.​—Gawa 24:15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share