Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ituwid Natin ang mga Bagay-Bagay”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • 1, 2. Kanino inihambing ni Jehova ang mga tagapamahala at ang mga naninirahan sa Jerusalem at sa Juda, at bakit angkop ito?

      ANG mga naninirahan sa Jerusalem ay baka nakahilig na bigyang-matuwid ang kanilang sarili matapos marinig ang pagtuligsang nakaulat sa Isaias 1:1-9. Walang pagsalang nais nilang ipagmalaki ang lahat ng hain na kanilang inihahandog kay Jehova. Gayunman, ang Isa 1 talatang 10 hanggang 15 ay nagbibigay ng nakapanliliit na sagot ni Jehova sa gayong saloobin. Ganito ang simula: “Dinggin ninyo ang salita ni Jehova, ninyong mga diktador ng Sodoma. Pakinggan ninyo ang kautusan ng ating Diyos, ninyong bayan ng Gomorra.”​—Isaias 1:10.

      2 Ang Sodoma at Gomorra ay winasak hindi lamang dahilan sa pagsasagawa nila ng lisyang sekso kundi dahilan din sa katigasan ng kanilang ulo at palalong saloobin. (Genesis 18:20, 21; 19:4, 5, 23-25; Ezekiel 16:49, 50) Ang mga nakinig kay Isaias ay malamang na nasindak nang kanilang marinig na sila’y inihahalintulad sa mga tao ng isinumpang mga lunsod na iyon.a Subalit nakikita ni Jehova ang kaniyang bayan gaya ng kung ano sila, at hindi pinalambot ni Isaias ang mensahe ng Diyos upang ‘kilitiin ang kanilang mga tainga.’​—2 Timoteo 4:3.

  • “Ituwid Natin ang mga Bagay-Bagay”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
    • a Alinsunod sa tradisyon ng sinaunang Judio, si Isaias ay ipinapatay at ipinalagari ng balakyot na si Haring Manases. (Ihambing ang Hebreo 11:37.) Isang reperensiya ang nagsasabi na upang maipataw ang hatol na ito na kamatayan, pinagbintangan si Isaias ng isang huwad na propeta ng ganito: “Sinabi niyang ang Jerusalem ay Sodoma, at ang mga prinsipe ng Juda at Jerusalem ay tinawag niya (bilang) mga mamamayan ng Gomorra.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share