-
Gumawa si Jehova ng Isang Magandang Pangalan Para sa Kaniyang SariliHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
-
-
11. (a) Bakit pasasapitin ni Jehova ang isang “araw ng paghihiganti”? (b) Sino ang “mga tinubos” noong sinaunang panahon, at sino ang mga ito sa ngayon?
11 Ipinaliwanag pa ni Jehova kung bakit personal niyang isinagawa ang gawaing ito, na sinasabi: “Ang araw ng paghihiganti ay nasa aking puso, at ang mismong taon ng aking mga tinubos ay dumating na.” (Isaias 63:4)b Tanging si Jehova lamang ang may karapatang maglapat ng paghihiganti sa mga pumipinsala sa kaniyang bayan. (Deuteronomio 32:35) Noong sinaunang panahon, ang “mga tinubos” ay ang mga Judiong nagdusa sa mga kamay ng mga taga-Babilonya. (Isaias 35:10; 43:1; 48:20) Sa makabagong panahon, sila’y ang mga pinahirang nalabi. (Apocalipsis 12:17) Gaya ng kanilang sinaunang mga katumbas, sila’y tinubos mula sa pagkabihag sa relihiyon. At gaya ng mga Judiong iyon, ang mga pinahiran, pati na ang kanilang kasamang “ibang mga tupa,” ay naging mga biktima ng pag-uusig at pagsalansang. (Juan 10:16) Kaya nga tinitiyak ng hula ni Isaias sa mga Kristiyano sa ngayon na sa takdang panahon ng Diyos, Siya ay makikialam alang-alang sa kanila.
-
-
Gumawa si Jehova ng Isang Magandang Pangalan Para sa Kaniyang SariliHula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
-
-
b Ang pananalitang “taon ng aking mga tinubos” ay maaaring tumukoy sa iyon ding yugto ng panahon sa terminong “araw ng paghihiganti.” Pansinin kung paanong ang kahawig na mga termino ay ginamit sa Isaias 34:8 sa katulad na paraan.
-