Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gumawa si Jehova ng Isang Magandang Pangalan Para sa Kaniyang Sarili
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 14. Anong angkop na mga paalaala ang ibinigay ngayon ni Isaias?

      14 Noon, madaling nawala ang pagpapahalaga ng mga Judio sa mga bagay na ginawa ni Jehova para sa kanila. Angkop lamang kung gayon na ipaalaala sa kanila ni Isaias kung bakit ginawa ni Jehova ang gayong mga bagay. Inihayag ni Isaias: “Ang mga maibiging-kabaitan ni Jehova ay babanggitin ko, ang mga kapurihan ni Jehova, ayon sa lahat ng ginawa sa atin ni Jehova, ang sagana ngang kabutihan sa sambahayan ng Israel na ginawa niya sa kanila ayon sa kaniyang kaawaan at ayon sa kasaganaan ng kaniyang mga maibiging-kabaitan. At sinabi niya: ‘Tunay na sila ay aking bayan, mga anak na hindi magbubulaan.’ Kaya sa kanila ay siya ang naging Tagapagligtas. Sa lahat ng kanilang kapighatian ay napipighati siya. At ang kaniyang sariling mensahero ang nagligtas sa kanila. Dahil sa kaniyang pag-ibig at sa kaniyang habag ay tinubos niya sila, at binuhat niya sila at dinala sila sa lahat ng mga araw noong sinaunang panahon.”​—Isaias 63:7-9.

  • Gumawa si Jehova ng Isang Magandang Pangalan Para sa Kaniyang Sarili
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 16. (a) Anong saloobin ang taglay ni Jehova nang makipagtipan siya sa Israel? (b) Paano nakikitungo ang Diyos sa kaniyang bayan?

      16 Kasunod ng Paglabas mula sa Ehipto, dinala ni Jehova ang Israel sa Bundok Sinai at nangako: “Kung mahigpit ninyong susundin ang aking tinig at iingatan nga ang aking tipan, kayo ay tiyak na magiging aking pantanging pag-aari . . . At kayo ay magiging isang kaharian ng mga saserdote sa akin at isang banal na bansa.” (Exodo 19:​5, 6) Naging mapanlinlang kaya si Jehova sa iniaalok niyang ito? Hindi, sapagkat isiniwalat ni Isaias na sinabi ni Jehova sa kaniyang sarili: “Tunay na sila ay aking bayan, mga anak na hindi magbubulaan.” Isang iskolar ang nagsabi: “Ang ‘tunay’ ay hindi dahil sa ito’y itinalaga na niya bilang soberano o dahil sa alam na niya ito nang patiuna: ito’y dahil sa pag-asa at tiwalang dulot ng pag-ibig.” Oo, tapat ang pakikipagtipan ni Jehova, anupat taimtim na hinahangad ang tagumpay ng kaniyang bayan. Sa kabila ng kanilang hayag na mga pagkukulang, nagtiwala pa rin siya sa kanila. Kay inam na sumamba sa isang Diyos na may gayong pagtitiwala sa kaniyang mga mananamba! Napakalaki ng nagagawa ng matatanda sa ngayon upang palakasin yaong mga ipinagkatiwala sa kanila kapag sila’y nagpapamalas ng gayunding pagtitiwala sa likas na kabutihan ng bayan ng Diyos.​—2 Tesalonica 3:4; Hebreo 6:​9, 10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share