Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Magalak Magpakailanman sa Aking Nilalalang”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • 29. (a) Ang masunuring bayan ng Diyos ay magkakaroon ng anong mga kagalakan sa isinauling lupain ng Juda? (b) Bakit ang mga punungkahoy ay isang angkop na paglalarawan ng mahabang buhay? (Tingnan ang talababa.)

      29 Nagpatuloy si Jehova sa kaniyang paglalarawan sa mga kalagayang iiral sa isinauling lupain ng Juda: “Tiyak na magtatayo sila ng mga bahay at maninirahan sa mga iyon; at tiyak na magtatanim sila ng mga ubasan at kakainin ang bunga ng mga iyon. Hindi sila magtatayo at iba ang maninirahan; hindi sila magtatanim at iba ang kakain. Sapagkat magiging gaya ng mga araw ng punungkahoy ang mga araw ng aking bayan; at ang gawa ng kanilang sariling mga kamay ay lubusang tatamasahin ng aking mga pinili.” (Isaias 65:​21, 22) Pagbalik sa tiwangwang at tiyak na walang kabahayan at walang ubasan na lupain ng Juda, ang masunuring bayan ng Diyos ay magagalak sa paninirahan sa kanilang sariling mga tahanan at sa pagkain ng bunga ng kanilang sariling mga ubasan. Pagpapalain ng Diyos ang kanilang gawain, at magkakaroon sila ng mahabang buhay​—gaya ng mga araw ng isang punungkahoy​—upang masiyahan sa mga bunga ng kanilang pagpapagal.e

      30. Anong maligayang kalagayan ang tinatamasa ng mga lingkod ni Jehova sa ngayon, at ano ang tatamasahin nila sa bagong sanlibutan?

      30 Sa ating kapanahunan, nagkaroon ng katuparan ang hulang ito. Ang bayan ni Jehova ay lumabas mula sa espirituwal na pagkatapon noong 1919 at pinasimulan nilang isauli ang kanilang “lupain,” o larangan ng gawain at pagsamba. Nagtayo sila ng mga kongregasyon at naglinang ng espirituwal na pagkamabunga. Bilang resulta, ngayon pa lamang ay nagtatamasa na ang bayan ni Jehova ng isang espirituwal na paraiso at bigay-Diyos na kapayapaan. Makatitiyak tayo na ang gayong kapayapaan ay magpapatuloy hanggang sa pisikal na Paraiso. Ni hindi natin kayang gunigunihin ang isasagawa ni Jehova sa pamamagitan ng masunuring puso at mga kamay ng kaniyang mga mananamba sa bagong sanlibutan. Tunay ngang isang kagalakan na magtayo ng iyong sariling bahay at pagkatapos ay tumira rito! Sa ilalim ng pamamahala ng Kaharian, hindi magkakaroon ng kakapusan sa nakasisiyang gawain. Tunay ngang nakalulugod na palaging “magtamasa ng kabutihan” sa mga bunga ng iyong sariling mga pagpapagal! (Eclesiastes 3:13) Magkakaroon kaya tayo ng sapat na panahon upang masiyahang lubos sa gawa ng ating mga kamay? Oo, tiyak iyan! Ang walang-katapusang buhay ng tapat na mga tao ay magiging “gaya ng mga araw ng punungkahoy”​—libu-libong taon, at higit pa!

  • “Magalak Magpakailanman sa Aking Nilalalang”
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan II
    • e Ang mga punungkahoy ay isang angkop na paglalarawan ng mahabang buhay, sapagkat ang mga ito ay kabilang sa mga bagay na kilalang may pinakamatagal na buhay. Halimbawa, ang isang punong olibo ay namumunga sa loob ng daan-daang taon at maaaring mabuhay nang hanggang isang libong taon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share